Prologue

456 15 6
                                    

Prologue

"Hello? Who's this?"

Kumunot ang noo ko dahil wala akong narinig sa kabilang linya. I checked the call once again to confirm if I'm still talking to someone. Mukhang wala rin naman akong ibang kausap dahil hindi naman sumasabat kung sinuman ang tumatawag sa akin. H'wag niya akong subukan sa kung ano mang trip niya sa buhay. I still have a lot of things to do.

"Kung wala kang ibang magawa at ako ang naisipan mong pagtripan, pwes h'wag ako. My time is precious and I don't want to waste it. Bye!" Sa inis ay muntikan ko na talagang i-end ang tawag.

"W-Wait! I'm so sorry Aeisha." Napabuntong-hininga ako nang magsalita nga ito. I'm pretty sure whoever might be on the line that what she is about to tell me is something important. Hindi ako nagbibigay ng number ko sa kung sinu-sino. Tanging mga kakilala lamang ang may alam ng number ko. I always gives my secretary's number if it's about business affiliated matters.

Kaya kahit na naiinis ay pinagpasensyahan ko muna ang tumatawag. Wait till I know who you really are, mabibigyan talaga kita ng reward dahil inaaksaya mo ang oras ko.

"Who's this?"

"Is this Aeisha Aquino?"

I'm sure my brows are slowly rising. "Ako ng naunang magtanong kung sino ka. Don't answer my question with another question."

"I'm sorry...uhh...if this is indeed the person I'm looking for, can I have a favor to ask please?"

"Name please,"

I swear, ibaba ko na talaga ang tawag na 'to. Umagang-umaga sinisira nito ang maganda kong mood. Well, sira naman na dahil sa tambak na trabaho at kabi-kabilang meetings. Lalo na't domomble pa ang mga gawain para sa preparations ng opening ng isang branch namin sa Pampanga.

"I'm Elyse by the way... Elyse Zamora."

Oh, is it the one I am thinking right now? Anong kailangan ng sikat na model na ito sa akin?

"What can I do for you?" Biglang lumambot ang boses ko. His father, if I'm not mistaken is one of the major shareholders in our company.

"Can I meet you later? I'm sorry if I bothered you with this call. May importante lang kasi akong sasabihin sa iyo. If...you won't mind."

How important is it that she just can't tell it to me right now?

"Is it really that important?" Hindi ko namalayang nasabi ko na pala ang nasa isip ko.

"Uhh... yes. I'm sorry for bothering you. I know you're a busy person. But I'll promise, this won't take that long. Just tell me when you'll come. I-tetext ko lang sa iyo ang lugar."

I sighed. Inalala ko kung may bakante ba ako mamaya sa dami ng gagawin. "I'll try to ask my secretary."

"Thank you. I have to end this na."

I ended the call and stayed immobile for a moment. As far as I'm concerned, wala naman kaming common interests ni Elyse para personal siyang makipagkita sa akin. In fact, ilang beses ko pa lamang siya nakita personally.

Nakarinig ako ng katok sa pinto at agad na bumungad ang nakangiting mukha ng aking secretary na suot ang puting button down blouse at itim na slacks. Pansin ko rin ang dala nitong boquet ng bulaklak sa kabilang kamay. I raised my brow and tried to stifle a smile when I realized whom it might came from.

"Hi, Miss Aquino. Someone dropped this to my table earlier. I thought it's mine but realized I must be dreaming, so I checked the card whom it is addressed. Sa iyo pala." Bianca adjusted her spectacles after putting the flowers in my table. Agad ko naman itong inabot at binasa ang sinasabi niyang card na nakalagay.

Gone Into the Deep (Hortellano Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon