Chapter 36

122 1 0
                                    

Chapter 36

Rush

"Sabihin mo na kasi." Pangugulit ko sa kanya.

"Hindi pa ba tayo tapos diyan?"

Umiling ako. Naisip kong gawing diversion ang pangugulit ko sa kanya tungkol sa pangalan ni Dr. Fuentebela para lamang maiwasan ang aking hiya.

Nararamdaman ko pa rin ang pamumula ng mga pisngi dahil naalala na naman ulit ang nangyari kanina. Halos dumugo na ang aking tenga sa ingay na paulit-ulit na bumabalik sa aking utak.

Hindi pa rin pinapaandar ni Andro ang sasakyan. Sineryoso niya talaga ang sinabi kong mag-uusap kami. Ilang milya pa lang ang tinawid namin mula nang makalayo kina Nay Tinya kaya halos puro pa lang puno ang nakikita ko. Siguro ay dalawang bayan pa lang ang nalagpasan namin bago huminto si Andro.

Napailing na lang siya sa akin at napabuntong hininga. I smirked, sensing his annoyance and surrender.

"Mabaho ang pangalan niya. Kapangalan ng martial artist. Bruce."

Tumaas ang kilay ko sa kanya.

"Mabaho? It actually sounds manly kaya!"

"Manly? What aspect? Dahil kapangalan niya ang martial artist?"

"Duh, kapangalan niya si Bruce Wayne."

Kumunot ang noo niya. Hawak niya ang steering wheel ng sasakyan. Balak niya sanang paandarin ang sasakyan pero natigil nang narinig ang sagot ko.

"Who's that, boyfriend mo?"

Ramdam ko ang diin ng pagbigkas niya lalo na sa huling mga salita. Iniwas niya ang matatalim na tingin sa akin at lalong humigpit ang kapit niya sa manubela.

Sobrang lapad tuloy ng ngiti ko dahil sa nakikitang inis niya.

Is it bad to feel this way when he's angry and irritated because of his jealousy?

"I wish,"

Hindi siya makapaniwalang bumaling sa akin. Tikom ang kanyang bibig at mukhang gustong magsalita pero pinipigilan ang sarili.

"You never heard that name before?" subok ko ulit na inisin siya.

Umiling ulit siya. Bahagya pa akong nabigo dahil hindi talaga siya nagsasalita. His brows were slighty creased and his annoyance never fade away.

"Why?" subok ko na naman.

He sighed and pushed back his hair. Oh no, I can sense his utmost patience slowly breaking.

"I don't know him. Does he own a company?"

Hindi ko alam kung paano ko pinigilan ang sarili na matawa. Kinunot ko na lang ang noo.

"Oh my gosh, you don't really know him?"

"Wala akong pakialam sa lalaki mo Aeisha."

This time, I couldn't stop myself anymore. Natawa ako ng malakas at halos hingalin pa. Nakatingin lang siya sa akin, naguguluhan pero hindi pa rin nawawala ang iritasyon.

"Something's funny?"

Sumasakit na ang panga ko. Maluha-luha ko siyang sinagot.

"You're unbelievable. He's just a fictional character, you know Batman?" Pinahid ko ang luhang tumulo gamit ang mga daliri.

Tiningnan ko siya na parang walang idea sa mga pinagsasabi ko.

"Nevermind."

Ilang minutong katahimikan ang namayani bago ulit siya bumawi.

Gone Into the Deep (Hortellano Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon