Chapter 39

129 2 0
                                    

Chapter 39

Apology

I feel like I'm flying while Andro is holding my hand. I was nervous the whole time but because he's holding me, it slowly faded.

Our wedding was simple and peaceful. It was very far from what I imagined before. Noon, pangarap ko ang magkaroon ng engradeng kasal, but when I met Andro and our marriage happened, I realized that I like it this way. It's way more comfortable and even though I don't need to voice out my thoughts, even though I was silent the whole time because of such overflowing emotions I feel, I am very happy and... contented.

Andro is wearing a white suit with a deep red necktie. He looks extra handsome now that I noticed that he had a new haircut. Hindi ko magawang iwaglit ang tingin ko sa kanya dahil bahagya akong nanibago sa kanyang ayos. Sure, I saw him a lot of times before in his usual corporate and formal attire, pati na nakapambahay at nakapang-workout na damit, pero mas nangibabaw sa lahat ang kanyang ayos ngayon.

Mukhang pinaghandaan niyang mabuti ang araw na ito.

Hindi kami lalagpas sa sampu sa kasal. Sina Mama at Papa ay naroon sa isang sulok na tinatapunan ko lang ng tipid na ngiti kahit na pansin ko ang mukhang nababalisang si Papa. Nang suriin ko ang tinitingnan niya kanina pa ay napalunok na lang ako. Beatrice and Arnold Hortellano also attend on our wedding.

Saglit ko silang nakausap kanina at sa paraan ng tungo nila sa akin ay hindi ko kaagad makuha kung totoo ba ang ngiti nilang iginawad sa akin o peke lang. Lalo na ang ginang na Hortellano na medyo mahirap basahin. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang narinig ko noon na si Andro talaga ang nakatakdang ikasal sa fiancee ngayon ng nakakatandang kapatid nito.

Deon is also present. I can't help but compare the two. Deon had this mysterious aura while Andro, he's serious and menacing. Hindi ko mapigilang mapangiti nang naalala kong ganoon ang una ko ring impresyon nang magkita kami ni Andro sa isla. Medyo naiba lang nang nagtagal dahil kung hindi ko siya nakilala ng tuluyan, at kung hindi ko siguro siya pinatulan, malamang ay ganoon pa rin ang tingin ko sa kanya hanggang ngayon.

Our civil wedding was held on the beach. Gusto ko sanang sa isla na lang kami ikasal, pero nang maalala ang nakatengga kong gawain sa opisina na hanggang ngayon ay hindi ko pa natatapos, hinayaan ko na lang si Andro na pumili ng venue.

Ramdam ko paglubog ng aking mga paa sa pino at puting buhangin. Lahat kami ay nakapaa ayon na rin sa gusto ko. Bianca put a flower crown on my head while I'm preparing my make up earlier. I don't like it at first but eventually gave up when I realized it looks nice on me.

The bluish sea and the setting sun sent wonders to me. The beautiful colors of the sky brought by the sunset somehow helped me relax. It was amazing.

There's no media around. It was kept from the public as what we wanted.

Nang matapos ang kasal ay nagkaroon kami ng kaonting salu-salo sa restaurant kung saan ang venue ng kasal namin kanina. Nakangiti lang ako buong araw dahil hindi ko ine-expect na sobrang simple lang ng lahat. Ang ilang hindi nakadalo kanina sa mismong kasal ay nadatnan namin sa simpleng handaan sa reception.

Nga lang, sa tuwing dumadako ang tingin ko kay Papa ay naalala ko na naman ang hamon niya kay Andro. My mood easily changes.

Palaging nakadikit sa akin si Andro kaya kinausap ko na siyang makipag-inuman muna sa kanyang mga pinsan na lalaki. Pinakilala niya ako rito kanina at hinayaan ko na lang siya roon dahil mukhang matagal na silang hindi nagkikita.

Nang mapag-isa ako ay nakita ko si Julian na papalapit sa akin at sobrang lawak ng ngiti. Hindi ko siya kanina nakita sa mismong kasal. Nakita ko na lang siya kanina rito nang paisa-isa kaming binati ni Andro ng mga bisita.

Gone Into the Deep (Hortellano Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon