Chapter 30

108 2 0
                                    

Chapter 30

Bomb

"So, Georgia is planning to invest on your company?"

Tumango si Andro habang abala sa pagmamaneho. Natahimik ako saglit. Napansin niya ang pananahimik ko kaya binalingan niya ako at tumikhim.

"Why?" he asked.

"What?" naguguhan kong tanong sa kanya.

"Tahimik mo. Still not over with the kiss?" Tumaas ang sulok ng kanyang labi habang pabalik-balik ang tingin sa akin at sa harap.

Napanganga ako dahil hindi ko inaasahan iyon mula sa kanya. After he kissed me earlier which I doubt that no one saw us doing it right behind the restroom, he just smiled, like totally pleased with his sudden move. Ako naman, ilang beses na napakurap-kurap sa gulat.

Hindi na namin napag-usapan ang tungkol doon hanggang sa inaya niya na akong bumalik sa hotel na tinutuluyan namin.

It was awkward for me. We've been so intimate way before we have this petty misunderstanding, but we never kissed. I can recall one, that time when we're still on the island. It was just a peck, so imagine myself blown away when he kissed me like a hungry man.

I tried to hide my blush by tilting my head on the other side, away from his scope of vision. Napansin niya iyon. I heard a chuckle from him. Hindi na ako nakapag-pigil dahil mukhang inaasar niya lang ako. Kinurot ko siya sa kanyang braso na hawak ang gearshift ng sasakyan.

Malakas siyang napatawa kahit mukhang nasasaktan sa aking ginagawa. Hinawakan niya ang aking kaliwang kamay na ginamit ko sa pagkurot sa kanya.

"Ouch, stop it. Masakit," aniya habang magaang hinahawakan ang aking kamay.

Nagkataong traffic dahil malapit na kami sa pusod ng siyudad. He stopped the car. Kung kanina ay hawak niya ang kamay ko, ngayon ay ang braso ko na.

Napansin kong mukha ngang nasasaktan siya sa aking ginagawa kaya tinigil ko na ang pagkurot sa kanya. Kaya lang ay hindi niya pa rin tinatanggal ang kamay na nakahawak sa akin kahit na tinigil ko na.

I raised my brows at him. He just smirked. Dahan-dahan niyang pinadulas ang hawak sa aking braso hanggang sa napunta sa aking kamay. Pagkatapos ay sinalikop ng kanyang kanang kamay.

Nagpipigil ako ng ngiti dahil sa kanyang ginawa. He bit his lower lip to hide his smile. We look like lunatics, trying to hide the upward curve on our faces.

Kaya habang nagda-drive siya ay magkahawak ang aming kamay.  Wala namang problema sa akin iyon. Kahit na pakiramdam ko ay namawis ang aking kamay, hindi naman siya nagrereklamo. I don't mind either.

Kahit nang nakabalik na kami sa hotel ay hindi niya pa rin binibitawan ang aking kamay. Inalalayan niya ako, hawak ang aking bewang, dahil hindi pa rin nga ako maayos na nakakalakad. Hindi rin nakatakas sa amin ang nangingilatis na mga tingin habang hinahatid niya ako sa aking suite.

Siguro, advantage na rin sa amin na naging shareholder si Andro sa kumpanya. It lessens the doubt of everyone. And questions about why we are together will never be a big deal.

And that's what I thought.

I looked at him when we reached our destination. He's standing so close to me and I can't help but look at his soft lips. The lips that I tasted earlier.

"Thank you." sabi ko habang nakatingin pa rin sa kanyang labi.

He nodded.

Kinagat ko ang ibabang labi dahil naalala na naman ulit ang nangyari kanina. His soft lips against mine is mind blowing. Nakalimutan ko ang lahat ng iniisip sa mga oras na 'yon, nalunod na ako sa mga halik niya.

Gone Into the Deep (Hortellano Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon