Chapter 7

160 6 2
                                    

Chapter 7

Shoes

Pagkatapos naming kumain ay ako pa rin ang pinaghugas ng mga pinggan. Wala akong nagawa at sumunod na lang dahil wala akong ganang tarayan siya. Ramdam ko pa rin ang awkwardness naming dalawa kaya mas lalong ayaw ko muna siyang kausapin!

I suddenly wanted to wipe my lips harshly when I remembered he dared to touch it. Ew.

After I finished the dishes, I went to the living room.

Awang-awa ako habang nakatingin sa mga magaganda kong kamay na nangulubot na dahil sa matagal na pagkakababad sa tubig.

Naiiyak akong nakaupo sa salas dahil pakiramdam ko, ang pangit na ng mga kamay ko. Pati mga kuko ko ay natatanggal na ang mga manicure!

"Ayos ka lang Mari?" Tinabihan ako ni Julian sa sofa habang nakatingin sa akin.

Hindi ko siya sinagot at yumuko lang habang sumisinghot. I feel so ugly! I don't have some decent clothes, even basic essentials for my skin! Walang ka-taste-taste ang bumili ng mga sabon na ginagamit ko sa ngayon. It just make my skin so...dull and dry! Mayaman naman si Andro pero bakit hindi afford and branded na sabon at lotion. Nagtitiis lang ako sa mga local beauty products na halos hindi aabot sa isang libo ang presyo!

My gosh. Naiistress na talaga ako.

"I'm fine," I just really wanted to be alone.

Kahit medyo hindi ko nakumbinsi si Julian ay naramdaman kong tumango ito at nagpaalam na umalis. Nanatili lang akong nakayuko at hindi siya pinagmasdan na lumabas.

Mayroon pa akong mga pasa! Though, it's not that visible now. Ibang-iba na noong una na kulay violet pa. But because of my tan complexion, the colors of my bruises kind of camouflaged with my skin.

Patuloy akong nagmukmok sa sala nang lumabas sa kuwarto si Andro. Nagpalit siya ng damit at mukhang may pupuntahan. He's now wearing a gray polo shirt, black jeans and brown leather shoes.

I got curious about his destination. Sigurado akong aalis ito dahil ayos na ayos. He saw me looking at him. Tinaasan niya ako ng kilay habang nag-aayos ng kanyang buhok kahit wala rin naman atang kuwenta ang ginagawa niya dahil mas lalo lang gumulo.

"Anong tinitingin-tingin mo?"

Sungit. I'm just curious.

"Are you going somewhere?"

Natigilan siya saglit na papalabas na sana.

"Why?"

"Uhh... Dadaan ka ba sa mall?"

Kumunot ang noo niya pero nakitaan ko iyon ng pagkamangha. Saglit akong natigilan nang mapansin ang biglang pagpalit ng kanyang reaksyon.

"Walang mall dito,"

Halos manlaki ang mga mata ko. Saang banda ba 'to ng Pilipinas at bakit walang mall? Ah! I remembered, somewhere in the northern part of Cebu. Bantayan, is it?

"Bakit?" Usisa niya sa akin. Hindi ba siya nagmamadali?

"Well, may ipapabili sana ako. I want some essential stuffs. Can't you see my hands? It looks nasty! My hair, it's not that soft anymore! And my skin!" I flaunted him my legs to point out what I meant.

"My skin is dry! The lotion doesn't even have sunscreen protection from UV rays! Even my nails... it's horrible. Do you know what I meant Andro?!"

Unti-unting kumunot ang noo niya habang pinakikinggan akong nagrereklamo. Well, I don't care. I have to pamper myself. Marami akong kaaway at ayokong malamangan nila ako sa ganda! I don't accept any loss to such losers.

Gone Into the Deep (Hortellano Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon