PrologoMarahan kong idinilat ang mga mata ko dahil sa sikat ng araw na tumama sa mukha ko.
Umaga na pala at hindi ko man lang namalayan.
Lumingon ako sa tabi ko nang maramdaman kong wala na akong katabi. Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto pero wala akong nakitang kahit anong bakas niya.
Asan kaya siya?Nabaling ang atensyon ko sa sticky note na nakadikit sa may bed side table.
Good morning, don't forget to eat your breakfast once you wake up. I love you!
Napangiti ako sa nabasa ko at tumingin sa breakfast na tinutukoy niya. Napakasweet talaga ng taong 'yun. Bakit may paganito pa? Pwede naman niya akong gisingin para sabay na kaming mag-agahan e. San ba siya nagpunta? Wala naman siyang lakad ngayon ah, wala ding pasok.
Teka!!!!
Pasok
Pasok
Pasok
Pasok
Pasok!!
"Shit!" kaagad akong bumangon sa kama at diretsong tinungo ang banyo. Shemay! Monday pala ngayon at ngayon ang unang araw ng pasukan! Letseng Crane yan! Hindi man lang ako ginising!
Pagkatapos kong magbihis ay halos liparin ko ang daan palabas ng bahay para hindi lang ako mahuli sa klase. Nakakahiya kapag na-late ako sa unang araw ng pasukan, ano na lang ang sasabihin saakin ng mga bagong classmates ko?
*beeeepppp*
"Ay kabayo!" nagulat ako nang narinig kong may bumusina sa likuran ko pagkalabas ko ng gate. Then there I saw Ryle inside his car at nakadungaw siya sa bintana ng kotse niya. "Why are you here Mr. Valdez?" nakapamaywang kong tanong ng makalapit ako sakanya.
"Baka gumagala? Window shopping?" sarkastiko niyang sagot saakin. Aba! Sapatusin ko kaya mukha nito?! Pinagtaasan ko siya ng kilay dahil sa naging sagot niya. "Hehehe, joke only Princess. I'm here to fetch you."
Wow sosyal ang lola niyo, sinusundo pa ako? Hahaha
"Kanina ka pa ba dito?"
Tumango siya saakin at tumingin sa wrist watch niya. "Kanina pang six ng umaga, nangangawit na nga 'tong gwapong pwet ko kakahintay sayo eh."
"Six?!! Bakit hindi mo ako gising unggoy ka!" Kanina pang six? Eh bakit hindi man lang niya ako ginising? jusmiyo Marimar! Hinayaan niya akong tanghaliin ng gising? Parehong pareho talaga sila ng kaibigan niya! Huhuhu.
"Princess, you know naman your boyfriend. Kapag nalaman niyang pumasok ako sa bahay niyo ng ikaw lang mag-isa at wala siya. Sira ang gwapo kong mukha at ayoko mangyari 'yon." umiiling pa niyang sabi. Napasimangot naman ako dahil sa sinabi niya. Siraulo kaseng Crane yun e, kung anu-ano ang iniisip sa mga kaibigan e, pareho naman naming alam na mababait 'tong mga to. Tyaka alam kong may tiwala naman siya sa mga kaibigan niya at alam naming pareho na hinding hindi magagawa ng mga 'to ang sinabi ng unggoy na'to sa harapan ko. Takot lang nila sa hubby ko, hihihi."kung ayaw mong masira ang mukha ko ng tuluyan sumakay ka na Princess. Your gonna be late."
BINABASA MO ANG
Secretly Living With My Gangster Boyfriend
Romance"You own my heart and my ass, wife." -Lysander Crane Debrige Hanggang kailan natin kayang itago ang relasyon na meron tayo kung may mga taong pilit itong uungkatin upang lumantad. Would our secret will remain secret 'till we're ready to t...