Chapter 7

457 21 0
                                    

Chapter 7


Amber's POV

Mabilis kaming nakarating ni hubby sa parking lot ng school, kaagad akong bumaba para walang makakitang magkasama kami. Hindi ko na siya inantay na makababa sa kotse niya at nagdirediretso ako ng lakad papunta sa office ng BSG.

Bumungad saakin ang pitong kalalakihan na prenteng mga nakaupo sa kanya-kanya nilang upuan habang tutok ang paningin sa malaking flat screen t.v at nakatalikod saakin. Meron sa single sofa, sa mahabang couch at sa sahig. Kaagad akong lumapit sakanila at binigyan sila ng tig-iisang kurot sa tagiliran nila. Wala akong pinalampas ni isa sakanila, lahat sila ay kinurot ko maging si kuya Paul, walang bias ngayon!

"What the fuck Princess!" nagtatakang saad ni Kevin habang hinihimas ang parte ng katawan niyang kinurot ko. nagising lang kasi siya dahil sa biglaang pagkurot ko sa tagiliran niya.

"Watch your words Smith!" nilingon ko si Crane ng makapasok siya sa office niya, iniwan ko nga pala siya kanina at nauna na ako dito para makaharap itong mga unggoy na'to. Inirapan ko siya bago binalingan ng masamang tingin ang lahat habang nakapamaywang ako.

"Anong nangyari sa mga mukha niyo?" kalmadong tanong ko kahit na sa totoo lang ay gusto ko na rin silang pagpapaluin sa pwet nila. Kaya siguro todo iwas sila saakin kahapon dahil may mga sira ang mukha nila!

Lumapit saakin si John Ric tapos ay inakbayan ako. "Princess, masyado kang hot. Nauntog lang kami kahapon kaya kami nagkaroon ng mga pasa. Aww!" Inis ko siyang kinurot sa tiyan niya dahil sa naging sagot niya saakin. Gawin pa akong tanga!

"Ah talaga, gan'un ba kayo katanga lahat para sabay-sabay kayong nauntog at nagkapasa? Ang galing!" sarkastiko kong sabi habang pumapalakpak pa.

"Tss. She already knew 'bout it. There's no use on hiding it into my wife." binalingan ko si Crane ng masamang tingin.

"Wife mo mukha mo!" tinalikuran ko muli siya bago tumingin sa mga lalaking nasa harapan ko. "At kayo!" tinuro ko silang lahat. "Sinabi ko na sainyong h'wag kayong magpapakita saakin kapag may mga pasa o sugat kayo sa mukha kapag nakipaglaban kayo, diba?"

"Hindi naman sana kami magpapakita sayo Princess e, ikaw ang nagpunta dito." sagot ni Spencer.

"Really? What do you expect me to do then? Matapos kong makita ang sugat sa kamao at kilay ni Crane ay matutuwa ako? Hahayaan ko kayo? Gosh! I can't believe you guys!"

Secretly Living With My Gangster BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon