Chapter 4
Amber's POV
"Hi everyone!" masayang bati ko sa buong miyembro ng BSG nang pumasok ako sa office nila matapos ang last subject namin sa umaga. Oras na ng lunch at nangako ako kay hubby na sabay na kaming kakain ngayon. Masaya akong sinalubong ng buong miyembro bukod kay hubby na prenteng nakaupo sa dulo ng mahabang mesa at masama na naman ang tingin sa mga kaibigan niya. Siraulo talaga.
"Maubos ang asawa ko." Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa pagiging OA niya.
"Hi everybody!" Umalingawngaw sa buong kwarto ang boses ni Miles na kakapasok lang din sa silid na ito. Kasunod niya ay si Angela na nakabusangot ang mukha, problema ng isang 'to? Nagulat na lang ako ng biglang parang hangin na dumaan si John Ric sa tabi ko at mabilis na nilapit ang kaibigan ko.
"Hi beautiful." ani John Ric pero hindi siya pinansin ni Angela. Hahahaha kawawang bata.
"Bakit nandito yan Princess?" tanong ni Spencer habang nakaturo kay Miles.
"Hubby told me to bring them here. Why?"
"San mo napulot 'yang lalaking 'yan Princess?" si kuya Paul ang nagtanong.
"He's not lalaki kuya, bakla siya." lumabi kong sagot.
"Paalisin mo na 'tan Princess, allergy ako sa bakla." saad ni Red na abala sa pagpipinta.
"Grabe kayo sa friends ko! I hate you guys!" nakasimangot kong sagot.
"Kung mag-usap ay parang wala ako rito ha. Excuse me mga papa. I'm here oh." Kumaway pa si Miles sa ere na na parang hindi talaga siya nakikita ng buong gang.
"Hi papa Ryle."
Kaagad siyang lumapit kay Ryle at niyakap ito. Pero dahil attitude ang lolo niyo ay kaagad na tumakbo si Ryle at nagtago sa likuran ko."Princess, dapat hindi ka nagsama ng maligno dito. Kawawa ang gwapo kong mukha eh." ayan na naman sa gwapo niyang salita. Sarap batukan eh.
"Distance bro. Alisin mo ang pagkakahawak mo sa asawa ko baka mawalan ka ng gwapong kamay" ayun na naman ang boses ni hubby na pinapalayo ang kaibigan saakin at may kasama pang pagbabanta. Akala mo talaga ay kakainin ako ng buhay ng mga 'to.
"Papa Ryle, sakin ka na lang kase magtago wala pang magagalit." tumayo si Miles at hinatak si Ryle mula sa likuran ko. Nagpupumiglas pa si Ryle dahil ayaw daw niyang gahasain at pagsamantalahan ni Miles ang gwapo niyang mukha.
BINABASA MO ANG
Secretly Living With My Gangster Boyfriend
Dragoste"You own my heart and my ass, wife." -Lysander Crane Debrige Hanggang kailan natin kayang itago ang relasyon na meron tayo kung may mga taong pilit itong uungkatin upang lumantad. Would our secret will remain secret 'till we're ready to t...