CHAPTER 13

511 20 4
                                    

Someone's POV

Nailapag ko ang wine glass ko nang marinig ang ibinalita saakin ng mga tao ko, nag-init bigla ang ulo ko dahil sa nalaman ko.

"Mga bobo! mga tanga!! Bakit hindi niyo nagawang paslangin ang Lysander na 'yan?!" initapon ko sa direksyon nila ang baso ng alak ko dahil sa sobrang inis na mabilis nilang naiwasan.

"Sorry master, sa susunod na plano po ay ang girlfriend na niya ang kakantian namin." napalingon ako sa direksyon ng isa sa mga tauhan ko dahil sa sinabi niya.

girlfriend? may girlfriend ang demonyong 'yon?

"Tama ba ang dinig ko? girlfriend?" pagkaklaro ko.

"Si Amber Pressman, anak ng isang sikat na cardiologist sa Germany, master," sagot nito.

"kung gano'n, lalaruin natin ang buhay nila." napangisi ako dahil sa naiisip kong magiging hakbang ko para gantihan ang gagong Lysander na 'yan. Malapit na kitang malamangan batang Debrige, hintayin mo ang magiging ganti ko!HAHAHAHAHAHAHA!

Amber's POV

"Are you already tired, wife?" nilingon ko si hubby ng tanungin niya ako, binigyan ko siya ng matamis na ngiti kaya't napangiti rin siya saakin.

"Ofcourse not, kasama kita kaya walang rason para mapagod ako." inabot niya ang kamay ko, nagmamaneho siya pero nagawa niya pang abutin at hawakan ang kamay ko.

"me too, I won't get tired when I'm with you... you're my stress reliever and my energizer." para akong kinikiliti sa bawat salitang binibigkas niya, napakagwapo at napakalambing ng boyfriend ko at ang swerte ko dahil 'don.

Sa lahat ng babaeng pwede niyang mahalin, ako na hindi perpekto ang napili niya, at nagpapasalamat ako dahil 'don. Sa higit limang taon na relasyon namin ay hindi niya ipinaramdam saakin na hindi niya ako mahal, bagkus araw araw niya yung ipaparamdam at ipinapakita saakin, sa simpleng pagngiti at pagtitig niya sa mga mata ko ay nakikita ko roon ang pagmamahal na araw araw niyang ipinapadama.

"I love you hubby," yun lang ang tanging salitang kaya kong sabihin at isatinig ngayon.

Nagpatuloy siya sa pagmamaneho at kasabay 'non ay ang pakikipagkwentuhan saakin. ganito kami tuwing uuwi kami sa bahay niya, magkukulitan at magaasaran, kapag siya ang napikon ay konting lambing ko lang sakanya ay ayos na pero kapag ako naman ang napikon ay nagiinarte muna ako pero sa huli ay walang nangyayari dahil ginagamitan niya ako ng charm niya.

Dumeretso kami sa kwarto pagkarating naman sa bahay, magbibihis muna ako para makapaghanda na ako ng hapunan namin. Nagpaalam naman si hubby na pupunta muna siya sa office niya dahil may aasikasuhin siya.

Inihanda ko lahat ng kakailanganin kong rekado sa lulutuin kong ulam para sa hapunan namin, naggisa muna ako ng bawang at sibuyas pagkatapos ay isinahog na ang mga rekado. Simpleng hapunan  lang ang niluto ko para saamin ni hubby, hindi naman siya maarte sa pagkain kaya't hindi rin ako nahihirapan sa pagluluto, Minsan ay naiisip kong para na rin kaming mag-asawa sa ganitong set up namin, pagkagaling namin sa eskwelahan ay uuwi kami ng sabay dito sa bahay, magluluto ako at siya naman ay may aasikasuhin sandali sa opisina niya tapos mayamaya ay bababa para tulungan ako, sabay kaming kakain at nagkwekwentuhan,  sabay din naming hinihugasan ang mga pinaggamitan namin bago umakyat sa kwarto.

Napangiti na lang ako dahil sa iniisip ko, mag-asawa. Ang sarap sa pakiramdam na iniisip kong para na nga talaga kaming mag-asawa.

"Isn't it weird when you smile alone, wife?" nawala ang ngiti sa labi ko't napalitan iyon ng pagkahiya, hindi ko man lang napansin na nakababa na pala siya mula sa opisina niya tuloy ay nakita niya akong nangingiti ng mag-isa.

Secretly Living With My Gangster BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon