Chapter 9

486 24 1
                                    

Warning: Matured content.
Read at your own risk.

Amber's POV

Pumasok ako sa walk in closet para maghanap ng damit na susuotin ko. Dahil sa nangyari sa pagitan namin ni hubby  kanina ay nagsuot ako ng pajama at damit na pantulog.
Muli kong naalala ang naging tagpo namin kanina, pakiramdam ko ay namumula ng sobra ang mukha ko hanggang ngayon dahil sa sobrang hiya, hindi ko alam kung papaano ko siya haharapin.

Nahawakan niya ang lahat sayo, Amber! jusmiyo Marimar!

Kahit pa sabihin niyang boyfriend ko siya, hindi dapat nangyari 'yon! Hindi dapat! Pero bakit traydor ang katawan ko dahil sinasabi nitong nagustuhan ko ay ginawa ni hubby?

jusmiyo Marimar!! Ang landi ng katawan ko!!

Hindi ko alam kung ilang oras na akong nanatili sa loob ng walk in closet na'to, ayokong lumabas dahil nahihiya ako sa nangyari kanina. Hindi ko lubos maisip na  naisuko ko ang sarili ko sakanya.

"Wife, are you okay?" kumabog ang dibdib ko ng marinig kong magsalita si hubby. "Wife?" muling tawag niya sa akin. Huminga ako ng malalim saka lumabas sa closet. Nakayuko akong naglakad diretso sa kama at hindi siya tinapunan ng kahit konting tingin lang. Pakiramdam ko ay namumula pa rin ang buo kong mukha dahil sa nangyari.

"Wife, is there's something bothering you?" naroon ang pag-aalala sa tinig niya nang   tanungin niya ako. Gusto ko siyang sapakin dahil parang hindi niya inaalala ang nangyari kanina! Gusto kong lumubog sa pwesto ko ngayon din mismo! Nahihiya ako!

"Wife?" Muli niyang pagtatawag saakin pero hindi ko pa rin magawang lumingon. Rinig ko ang mabigat na pagbuntong  hininga niya habang nakaupo kami pareho sa gilid ng kama.

"Hubby, ano kase." Ramdam kong pinagpapawisan ang kamay ko. "Diba, bad 'yung kanina. Ahmm. You know. A-aahmm." Shemay! Pano ko ba 'to sasabihin sakanya?!

Pero hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang inakbayan niya ako't hinila sakanya, tuloy ay sumumsob ang pisngi ko sa dibdib niya, muli kong nalanghap ang amoy niyang napakabango at tila inaakit ako, maging ang matigas at matipuno niyang katawan ay nadama ng mukha ko. Dama ko rin ang naging paghalik niya sa sentido ko, mariin at sinsero.

"I'm sorry. Don't worry, wife. Papakasalan kita bukas na bukas din." mabilis akong humiwalay at hinarap siya dahil nabigla ako sa sinabi niya.

"Baliw ka ba, hubby?!" Pinalo ko siya sa braso. "Kasal ka diyan, saka na 'yun. Basta mangako kang h'wag mo akong iiwan matapos 'nung ano kanina."

"Anong ano, wife?" naguguluhang tanong niya.

"Yung ano." napakamot ako sa ulo ko sa kadahilanang hindi ko na naman alam kung pano ko sasabihin sakanya.

Secretly Living With My Gangster BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon