Chapter 5

494 21 0
                                    

Chapter 5

Paul's POV

Nang makaalis na sila Princess dito sa office ng BSG ay ganun pa rin ang tawa ng mga kasama ko, pinagtatawanan si Ryle dahil mukhang pagod ito sa kakaikot sa buong opisina ng buong gang para makaiwas sa kaibigan ni Princess na bakla. Halata ang pagkagusto nito sa kaibigan namin. Si John Ric naman ay nakangiting-aso pa rin habang nakatingin sa kawalan, alam ko na ang iniisip nito. Malamang ay ang kaibigang babae ni Princess. Tsk, lakas ng tama nito. Kanina habang kumakain kami ng lunch ay halos ilagay na lahat ni John Ric sa plato ni Angela ang lahat ng pagkain. Pabibo ang puteks!

Kanina ay hindi kami nabusog sa mga kinain namin kundi sa tawa. Magaling magpatawa ang kaibigan ni Princess na bakla maging Si Angela ay nagpapatawa rin pero may halong pang-aasar kay John Ric.
I'm glad that my princess starting making friends. Kailangan niya ng makakasama t'wing wala kami para hindi siya mag-isa. Mahirap na. Knowing her, hindi niya ugali ang makipag-away mas gugustuhin niyang siya na lang inaapi kesa sa siya ang mang-api. Our Princess is too humble and kind.

"Where you goin'?" tanong ko kay Crane ng bigla siyang tumayo at nakapamulsang lalabas sa pinto. Nilingon niya ako at ipinakita ang hawak niyang I.D.

"I'll just give this i.d to my wife." walang emosyon niyang sabi bago tuluyang lumabas sa pinto.

Iba talaga kapag inlove. Kahit hindi pa kasal ay asawa na ang tawag. tsk.

Naisip ko ang sitwasyon ng prinsesa namin at ni Crane, walang ibang nakakaalam sa relasyon nila bukod saamin na mga kaibigan niya. For sure alam na ng dalawang bagong kaibigan ni Amber 'yon. Mukha namang mapagkakatiwalaan sila pareho kaya panatag ang loob kong hindi nila sasabihin kahit kanino ang lihim ng dalawa. Alam kong mahirap para sakanilang dalawa ang naging set up nila sa relasyong meron sila. Gustong- gusto ni Crane na ilantad ang relasyon nila ni Princess pero ayaw ng prinsesa ko. Ayaw niya daw na mapahiya si Crane dahil sa itsura niya. She's always saying that she's fat kahit na ang totoo ay hindi gaano. Ayaw niya daw na pagtawanan ng iba ang hubby niya 'pag nagkataon.Para saakin ay sakto lang ang hugis ng katawan niya para sa edad niya.

Nagsalin ako ng wine sa baso ko bago tinungga 'yon. Wala namang problema pero gusto ko lang na uminom ng konti. Hindi naman kami papasok ngayon sa klase namin dahil may lakad kaming lahat.



Crane's POV

I was walking towards my wife's room when I heard someone is shouting. Naaninang ko ang pustura ng medyo may laman na katawan ni Amber at ang dalawang kaibigan nito na nasa bungad ng pintuan at pareparehong nakatayo. Dahan-dahan ang ginawa kong paglapit para hindi ako mapansin ng mga babaeng nasa floor na to kung nasaan ako dahil paniguradong maaagaw ko ang atensyon nila Amber.

"Sorry your face bitch! Sa susunod huwag mong ibabalandra 'yang mataba mong katawan sa dadaanan ko, Baka ipakick-out pa kita rito!" si Amber ba ang pinagsabihan niya ng mataba?

"Aba te, hindi mo pag-aari ang eskwelahan na ito para gawin mo 'yan sa kaibigan namin!" tama nga ako, si Amber ang pinagsasabihan na mataba ng kung sino mang babaeng kaaway nila.

Secretly Living With My Gangster BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon