Chapter 12

447 19 3
                                    

Angela's POV

"Nakakahalata na ako, halos isang oras na tayo dito sa convenient store , hindi pa ba tayo papasok?" tanong ko sa mga kasama ko na kampanteng nakaupo at may kanya kanyang nilalantakan, balak talaga yata nilang ubusin ang laman ng ATM , credit card at ang wallet ni Crane e, porque ba mayaman ang kaibigan nila? Parepareho lang naman silang mga rich kid ah.

"Chill baby, I'm enjoying the view." umakbay siya saakin na mabilis ko namang tinanggal iyon at pinungot ang tainga niya. Hulaan niyo kung sino siya, si John Ric lang naman 'to kaya ayos lang.

"Araay!" sigaw niya dahilan para  mapalingon ang mga bumubili rin dito sa convenient store maging ang mga staff sa direksyon namin.

"Kanina ka pa ah." mas hinigpitan ko ang hawak sa tainga nga dahilan para mas lalo siyang masaktan, wala akong pakialam sa mga taong nakakakita saamin dahil naiinis na talaga ako sa isang 'to.

"Baby, stop."

"stop calling me baby!" hindi ko pa rin inalis ang pagkakapingot ko sa tainga niya bagkus ay mas hinigpitan ko pa ito lalo.

"Let go of my ears!"

"are you shouting at me?!"

"No, of course not," he low down his voice.

"Umayos nga kayong  dalawa nakakahiya kayo." suway ni  Paul saamin, ang pinakamantanda ata sakanila, basta  'yun na 'yun. binitawan ko naman kaagad ang tainga ng kaibigan nila.

"Pagsabihan mo 'yan Paul ha." itinuro ko sakanya si John Ric na hinahaplos pa rin ang tainga niyang piningot ko kanina, mapula na ang mga 'yon marahil dahil sa higpit ng pagkakapingot ko. "Ayokong tinatawag akong baby ng kaibigan niyo, ang creepy." inirapan ko silang pareho bago uminom sa bottled juice ko.

"Anong creepy ka dyan?! Ano ako multo? Weird ka talaga," dinig  kong reklamo niya.

inis ko siyang binalingan ng tingin. "Tss. Bakla ka talaga Ric."

"Pag ako tumayo rito't hinalikan kita, iyak ka diyan." sabi niya dahilan para hampasin ko siya sa balikat dahilan para magtawanan ang mga kaibigan ni Amber, siraulo talaga 'tong mga 'to, kapag si Amber ang kaharap au tiklop silang lahat tapos kung umasta sila akala mo talaga mga brusko 'e kay Amber pa lang wala ng pumapalag e.

"Halikan mo sahig, ulul!" singhal ko, nagtawanan lang ulit ang BSG maging si Miles. Ha! Kaibigan ko ba talaga 'to? porque katabi niya si Ryle, hindi na niya ako ipagtatanggol?

"Susss, dito pa kayo naglalandian," pangaasar ni Miles. Kaagad ko siyang sinamaan ng tingin, at ang bruha! tinawanan lang ako! kaibigan ko ba talaga 'tong baklang 'to? kasi kung hindi itatapon ko na siya sa Mars.

Secretly Living With My Gangster BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon