Chapter 18

396 10 9
                                    

Amber's POV

"May gagawin daw tayong activity kay Miss Anog mga mars." biglang saad ni Miles habang naglalakad kami ngayon sa hallway papuntang canteen.

Ngayon ko lang naalala na may activity nga palang diniscuss si Miss Anog saamin. Activity pero ang dating ay kaming mga studyante ang magdidisscuss ng lessons at kami ang magpapa-quiz sa klase. Si Miss naman ay makikinig sa pinakalikod ng classroom kasama ang Dean at ang iba sa Co-teachers nila.

Nakakakaba dahil hindi ako sanay magsalita sa harapan. May stage freight kase ako at hindi ko alam kung papaano haharapin 'tong activity na'to. Hindi naman pwedeng humindi ako.

'Eh kung huwag na lang kaya akong pumasok?'

Mali!! Bad yun Amber!

'Eh kung.. Sabihin kong may sakit ako? Na nilalagnat ako kaya hindi ako makapasok at hindi ko magawa ang activity?'

Mali din ang magsinungaling,Amber!!

Ano ba yan! Pati isip ko nakikipagtalo saken! Lapastangan!!

Haysst!! Nakakainis naman!

"Maktol ka d'yan?" Nabalik ako sa wisyo ng halos idikit na ni Miles ang mukha niya saken.

"Anong arte yan,Amber?" si Gela na parang nagtataka kung ano ang kinikilos ko.

Nakagat ko ang labi ko bago humarap sakanilang dalawa.

" kaseee..." napabusangot ako. Nagdadalawang isip kung sasabihin ko ba o hindi na lang.

"Kase ano?"

"Hindi kase ako sanay magsalita sa harapan. Lalo na may mga bully baka ijudge na naman nila ako."

"Siraulo ka talaga babaita. That's all?" parang hindi makapaniwalang tanong ni Miles. "Sabagay, mahirap mag-discuss ng lessons sa klase. Ramdam kita mars." biglang pagsang-ayon niya.

"Oo nga. Lalo na siraulo pa naman ang mga tao rito. Bigla ka na lang huhusgahan at ibubully nang wala kang ginagawa."

Mas napasimangot ako sa sinabi nilang dalawa. Natatakot talaga akong magsalita sa harapan ng maraming tao simula pa noon. Kapag nga birthday ni daddy ay ayaw na ayaw kong magbigay ng message kay daddy sa harap ng maraming tao. Usually simple message or greetings na lang ang sinasabi ko bumabawi na lang ako sakanya kapag kami na lang dalawa at wala ng bisita. Hindi ko din alam kung bakit gan'on ako. Natatakot kase akong magkamali ng sasabihin tapos ay pagtatawanan ako o di kaya ay mabulol ako.

Hayts!!

"Ang tanong, nagawa mo ba yung irereport mo ngayon,Amber?" mabilis pa sa kidlat ang naging paglingon ko kay Miles. Pinanlakihan ko siya ng mata habang iniisip ang isang bagay..nagtataka nila akong tiningnan maya maya ay nagbago ang ekspresyon ng mukha nila na tulad ko ay hindi rin makapaniwala. Tila iisa ang tumatakbo sa isip nilang dalawa.

"Hindi mo nagawa?!!" sabay nilang sigaw na halos marinig sa buong hallway.

"Shet ka,Amber. Anong ginawa mo kahapon?" hindi makapaniwalang napahilot si Angela sa sentido nya.. Maging ako ay hindi ko na rin alam kung paano ako ngayon.

"May time pa naman diba? May ten minutes ka pa para gawin yung idi-disscuss mo mamaya." si Miles.

"Gaga, brainstorming pa lang wala ng time." sabat naman ni Gela na mas lalong nagpadagdag ng takot ko.

Pano na ako ngayon? For sure papagalitan ako ni Teacher neto. Sa sobrang pagod ko kahapon ay nakatulog ako pagkatapos kong naglinis. Pagkagising ko naman ay nasa bahay pala ang buong kaibigan ni Hubby kaya nakipagkwentuhan na lang ako sakanila. Nawala sa isip ko na may reporting pala kaming gagawin ngayon.

Secretly Living With My Gangster BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon