Chapter 8

468 26 0
                                    

Warning: Matured content. Read at your own risk.

Amber's POV

Simula pa kaninang umaga hindi maganda ang mood ko, bukod kay hubby at sa BSG ay sumabay pa si Bianca na todo pagpapa-cute kay hubby sa loob ng room. Ngayon naman ay si Kim na muse daw nila sa buong D.U. base sa kwento nitong dalawang kaibigan ko.

Nakaupo kami sa table malapit sa pwesto nila Hubby at ng gang niya pati na rin 'yung Kim Villanueva na tinutukoy ng dalawang ito na dikit ng dikit kay hubby. Pasimple akong tumitingin sakanila para hindi ako mapaghalataan ng mga schoolmates namin.

"Alam mo ba , mars , sinasabi nila dati na sila Kim at Crane daw." nawala ang atensyon ko sa pwesto nila hubby at napunta kay Jedmiles dahil sa salitang binitawan niya. "Sobra kasi daw dumikit si Kim sa hubby mo e. Akala ng marami noong high school sila e, sila na daw." dugtong niya. Muli akong tumingin sa gawi nila at gano'n na lang ang inis ko nang makitang todo dikit nga 'yong Kim na 'yun kay hubby na nangingiti pa . Hindi man lang siya tumingin sa direksyon ko! May kasama lang na maganda nakalimutan na ako!

"At ang daming kinilig sa story nila sis. Maganda kasi itong si Kim at gwapo si Crane, maraming nagsasabing bagay daw sila." lumaylay ang balikat ko dahil sa sinabing iyon ni Angela. Muli kong pinagmasdan sila. Masasabi kong bagay nga silang dalawa. Bigla ay nakaramdam ako ng pagkirot at pagbigat ng dibdib ko. Hindi ko alam pero nasasaktan ako sa nakikita kong sweetness ng dalawa. Parang kilalang - kilala siya ng buong gang ni hubby dahil mababasa mo sa mukha nila ang saya habang nagkukwentuhan.

"Uy mars, kalma lang. Ikaw pa rin naman ang wifey ni Lysander noh."

"Ha? Kalmado naman ako eh. Tyaka magkaaway kami ni Crane kaya wala akong pake kung sino pa ang kasama niya." pinilit kong ipakita sakanila na totoo ang mga tinuran ko pero nagkatinginan lang sila at Sabay na umiling.

"Mars, one week na tayong magkaibigan. Sa one week na 'yon basang-basa ka na namin." basangbasa kaagad? Ganun sila kabilis mangilatis ng tao?

"'Wag kang magselos. Mahal ka ng hubby mo." ngumuso ako sa sinabi ni Angela. Kung mahal niya ako bakit siya nagsinungaling saakin? E diba nga, if you love someone dapat faithful and honest ka partner mo? Hindi na ba ako mahal ni hubby kaya siya gan'on saakin?

Secretly Living With My Gangster BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon