Amber's POV
Halos hindi ko maigalaw ang pangangatawan ko kinabukasan, iika-ika akong bumaba sa hagdan para sana magluto ng agahan pero parang bibigay ang katawan ko. Napagdesisyunan kong maupo na lang sa couch at manood ng TV. Masyado pang maaga para maligo at maghanda para pumasok sa school, iniwan ko si Crane sa kwarto dahil may kausap siya sa telepono niya't mahalaaga daw 'yun.. Hindi ako makatulog kakaisip sa nangyari. Kahit pa nasa TV ang paningin ko ay wala roon ang diwa ko, naglalakbay ito sa kung saan saan. Masyado akong ginugulo ng konsensya ko, alam kong magagalit si daddy kapag nalaman niya ang bagay na 'to.
Ayokong ma- disappoint si daddy saakin kaya nag-iisip ako kung pano ko ba sasabihin sakanya 'to nang hindi siya mabibigla. Kailan ba ang tamang panahon para umamin sakanya? Bukas? Sa makalawa? Next week? Next month? O next year??
Jusmiyo marimar!
Napasimangot na lang ako sa kawalan ng tamang pagiisip. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko! Paano kung mabuntis ako?! Paano na lang kapag nalaman ng ibang tao sa school ang totoong connection ko sa BSG lalo na kay Crane? Malamang ay todong pambubuyo ang maranasan ko sakanila.
"You're thinking something, wife." bago pa man ako makalingon sakanya ay nakaupo na agad siya sa tabi ko at mabilis na ipinalupot ang braso niya sa baywang ko, tyaka isinubsob ang mukha niya sa leeg ko na nakapagdulot ng kakaibang pakiramdam sa sistema ko lalo pa't malakas ang kiliti ko banda ro'n.
"What are you thinking, wife? Tell me. Maybe I can help," lalaki nga talaga siya, hindi pinoproblema ang nangyari saamin kagabi. Pano kung may mabuo tapos iwanan lang ako ni hubby pagkatapos niyang malaman na may dinadala na ako sa tiyan ko? Paano kung pabayaan na lang niya ako at ang baby? Kapag nangyari 'yon ay baka palayasin rin ako ni daddy kapag nalaman niya. Tapos mamamalimos na lang ako, sa kalye na titira tulad ng mga pulubi.!
Oh my god! Ayokong mangyari 'yon! Wala pa man ay parang natatakot na ako sa pwedeng mangyari. HUHUHU!"Wife." Napahinto ako sa pagiisip dahil sa pagyugyog saakin ni hubby kaagad akong nagbalik ng tingin sakanya.
"Ha?" wala sa sariling saad ko.
"I've been calling you tenth times, yet your not listening. What's wrong young lady?" nakakunot ang noo niyang tanong pero naroon ang pagaalala sa mga mata niya pinakatitigan niya ako sa mata habang naghihintay ng sagot ko. Ang tingin niya ay parang kinikilatis ang kabuuan ko maging sa kung ano ang tumatakbo sa isip ko. Hindi ako makakapagsinungaling sakanya o kahit magtago ng sikreto dahil daig pa niya ang imbestigador kung kumilatis ng tao. Huminga ako ng malalim bago nag-iwas ng tingin.
"Kase, inaalala ko lang si daddy." panimula ko. "Baka magalit siya saakin kapag nalaman niyang may nangyari saatin." pahina ng pahina kong saad. " Natatakot din ako dahil baka—".
"Baka?" tukoy niya na ituloy ko ang sasabihin ko.
"Baka iwanan mo lang ako." napapahiya kong sambit.
BINABASA MO ANG
Secretly Living With My Gangster Boyfriend
Romance"You own my heart and my ass, wife." -Lysander Crane Debrige Hanggang kailan natin kayang itago ang relasyon na meron tayo kung may mga taong pilit itong uungkatin upang lumantad. Would our secret will remain secret 'till we're ready to t...