Chapter 6

482 24 0
                                    

Chapter 6

Amber's POV


"Grabe ka mars, hindi mo man lang pinagtanggol ang sarili mo!" nanggigigil na sabi ni Jedmiles habang nakatingin saakin. Sinesermonan nila akong dalawa ni Angela kanina pa dahil hindi daw ako nanlaban kanina.

Ayokong makipag-away sa iba dahil hindi magandang tingnan 'yon. Tyaka ano na lang ang iisipin ni daddy saakin kapag nabalitaan niyang pakikipag-away lang ang ipinunta ko dito sa school at hindi ang pag-aaral. Ano na lang din ang iisipin saakin ni hubby kapag nalaman niyang nakikipag-away na rin ako.

Sa hindi mabilang na pagkakataon ay muli akong nagpakawala ng buntong hininga. Naalala ko 'yong sinabi ni hubby kanina matapos niyang iabot saakin 'yong i.d ko.

"Next time Miss. , learn to fight for your self. Don't let anyone specially like her bully you."

Tiim bagang niyang sabi bago ako tinalikuran.
Jusmiyo marimar na yan! gusto rin ba ni hubby na makipag-away ako sa mga kaklase ko? Huhuhu! I hate you hubby.

But still I love you for saving me.

"Oy te, huwag mo gagamitan niyang pagnguso nguso mo diyan ha. Nanggigigil kami sayo." Napakamot na lang ako sa sentido ko nang sabihin saakin ni Angela 'yon. Bilib ako sa dalawang 'to kanina dahil nakita ko kung pano nila sagutin si Bianca kanina, lalo na 'tong si Angela na pinagsabihan pa ng tanga e galit na galit na. Hahaha.

"E kasi saman e, masamang makipag-away kaya para hindi na lumaki ang gulo hindi ko na lang pinatulan. Besides, kasalanan ko rin naman kase hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko kaya nabangga ko siya."

"Ay, Maria Clara?! Pa-santo? Hindi na uso 'yan babaita ka!"

"Alam mo mars, buti na lang talaga andoon ang jowa mo kanina para ipagtanggol ka. Super sweet ng papa Sander mo ha!" kinikilig na baling ni Jedmiles saakin sabay hampas sa balikat ko. Napangiti na lang din ako nang maalala ko si hubby kanina.

Sweet nga.

"Sweet din naman si Ryle ah." pang-aasar ko pero inirapan niya lang ako.

"Sweet ba 'yon e, halos mapugutan ako ng ulo dahil sa pambabatok niya! I hate him." maarteng saad niya natawa na lang kami ni Gela nang maalala namin ang nangyari kanina between him and Ryle.

Secretly Living With My Gangster BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon