Chapter 14

383 14 0
                                    

Third Person Point of View

Maagang nagising si Crane nang marinig niyang tumunog ang alarm ng cellphone niya, halos hindi niya maimulat ang mga mata niya dahil inaantok pa ito, sandali pa siyang nakapikit at ng mahimasmasan ay sinagot ang tumatawag sakanya. Hindi siya gumawa ng kahit anong ingay na ikakagising ng babaeng nasa tabi niya hindi na nito nagawang tingnan kung sino ang tumawag sakanya sa gano'ng oras.

"Hmm."

"Still in a sleep?" bungad ng nasa kabilang linya na kaagad namang nabosesan ng binata.

Tiningnan ni Crane ang oras sa cellphone niya, alas-kwatro na pala ng madaling araw at oras na ng pag-uusap nilang magkakagrupo. Halos nawala sa isip nito dahil magdamag niyang kayakap ang babaeng pinakamamahal niya na talagang ikinanakatuwa niya.

"Am I late for the talk?"

"Nope, Just in time. Now prepare your self and open your cam." matapos sabihin iyon ni Paul ay bininaba na nito ang tawag ng walang pasabi sa leader nila.  Saglit pang bumalik sa pagkakayakap ni Amber si Crane bago bumangon at tumungo sa opisina nito sa kaliwang bahagi ng bahay nila, kampante naman siyang iwanan ang nobya sa kwarto mag-isa dahil ligtas naman ito sa bahay nilang dalawa at isa pa, may cctv camera na nakakonekta sa opisina ni Crane upang makita si Amber may audio din ito na maririnig ni Crane kung sakaling hanapin siya ng nobya.

Mabilis na hinarap ni Crane ang laptop at nagtipa duon, pagkabukas pa lamang nito ng camera ay bumungad sakanya ang mukha ng mga kaibigan nito. Hindi rin mawari ng binata kung matatawa ba ito o hindi kay  Kevin dahil hindi nito alam kung paanong nabuksan nito ang camera ng laptop niya sa kabila ng mahimbing na pagkakatulog.

Nag-usap usap silang walo sa plano ng grupo nila, tahimik si Crane habang nakatingin sa monitor kung saan nakikita niya ang girlfriend na mahimbing na natutulog, napapangiti na lang siya dahil sa ganda ng view na nakikita niya.

"Seriously man? I'm telling important matters yet your smiling?" Nabalik sa wisyo si Crane at hinarap ang mga kaibigan nito, tuloy ay natawa ang mga kasama niya ng wala sa oras.

"F*ck you, " tanging sambit ng binata sa mga kaibigan na pinagtatawanan pa din siya.

"As I was saying, they are planing something not good to us," tuloy ni Paul.

"Pano mo nasabi? Kilala mo na ba sila?" Ric asked.

"Yun ang pinapagawa ko kay Spencer. I gave him some files to find out who's that bastard behind those messages we recieve last week."

Noong nakaraang linggo kase ay nakatanggap silang lahat ng pareparehong mensahe na nagbabanta sa buhay nila, hindi nila alam kung saan o kung sino ang nagpadala nito pero iisa ang gusto nitong mangyari, ang makaganti sa buong grupo ni Crane. Pero iyon ang hindi nila papayagang mangyari, wala ni sino sa mga naging kalaban nila ang nanalo laban sakanila.

"At medyo nahihirapan ako tungkol duon, masyadong naging play safe ang mga gagong 'yon dahil maski ang talent ko ay nahihirapan." Spencer answer.

"Siguraduhin niyong mahanap niyo ang gago na yan," Kevin commented in a sleepy tone.

"Ulul ka Kevin Smith!!" pangaasar ni Ryle sa kaibigan.

"Just don't let them touch princess" Sabat ni John Lloyd  in a serious tone.

Natahimik ang lahat sa sinabi ng binata, isa pa pala 'yon sa kinakatakot nila ang madamay si Amber dahil sa konektado ito sakanila. Pero sila ang BSG na kinatatakutan ng lahat kaya bakit sila mangangamba pero pagdating sa babaeng pinakaiingatan nila ay hindi nila mawari kung bakit natatakot sila sa posibilidad na idamay ng mga kaaway nila ito.

Secretly Living With My Gangster BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon