"I'm so sorry Nics, hindi ko ginustong saktan ka, ayaw kong saktan ka, i swear."Ani Tristan.
Lumingon ako sa papalubog na araw hudyat na patapos na rin ang umaga, at ito na rin ang hudyat ng pagtatapos ng relasyon namin dalawa. Sa halip na pagmasdan ang sunset ay matalim akong tumingin sa kaniya.
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Hindi ko napigil ang sarili ko at sinampal siya "But you did!"
Hinawakan niya ang braso ko at hinawi ko iyon "Let's end this." Sabi ko at tinalikuran siya.
"Nics mahal na mahal kita, forgive me please. Ayokong mawala ka sa'kin." Pagsusumamo niya.
Matalim ko siyang tinignan "Sana naisip mo iyan bago mo 'ko niloko! Siguro matatanggap ko pa kung sinabi mo na lang sa'kin na hindi mo na 'ko mahal sana naging honest ka na lang hindi 'yung pinagmukha mo akong tanga! Ganun ba ko kawalang halaga sayo huh? Am i not enough huh? Tristan? Tell me!"
"I'm sorry please magpapaliwanag ako---"
"Anong ipapaliwanag mo? Bibilugin mo ulo ko? Well i'm sorry pero wala na akong tiwala sayo, ayoko nang magtiwala sayo! Ayoko nang paniwalaan lahat ng sasabihin mo!"
"No Nics!" Sigaw ni Tristan.
"Tapos na tayo." Sabi ko at tinalikuran siya.
Hindi na ako nag abalang lingunin pa siya dahil ayoko na. Maraming tanong sa isipan ko ang kailangan ng sagot galing sa kanya pero mas mabuting wag na. Wala na ako sa wisyo para paniwalaan pa lahat ng sasabihin niya. Hindi ako magdadalawang isip bitawan ang lecheng 2 years na pinagsamahan namin kung ganito lang naman ang mangyayari.
***
"Tama lang ang ginawa mo, hindi ka niya deserve at hindi rin niya deserve ang second chance! My goodness mabuti na lang hindi ka marupok!" Sabi ng Bestfriend 'kong si Kenlyn.
Nakatitig lang ako sa kape sa harapan ko at tinuon ang atensyon sa labas ng coffee shop na tinatambayan namin ngayon.
"I can't believe magagawa ni Tristan 'yon. Bullshit." Sabi naman ni Cj at kinagat ang labi niya.
"Just..uh.. just.. er-- forget about it." Pagiiba ko ng usapan.
Tinaasan ako ni Ken ng kilay.
Ngumisi ako "Damn it! I'm okay!" Natatawang sabi ko.
I sighed. Myghad! Bakit ba iniisip ko pa din si Tristan? Of course I love him. Pero hindi naman 'iyon sapat para balikan ko siya. Nakapagdesisyon na ako at sa tingin ko iyon ang tama. Hindi ako dapat ma guilty. Hindi ako ang nawalan. Alam ko sa sarili ko hindi ako nagkulang sa kaniya.
Nag angat ako ng tingin kay Cj at kay Kenlyn na nagtatawanan. May mga kaibigan ako, may pamilya ako. At para sakin sila lang masaya na 'ko. Hindi ko kailangan ng toxic na Tristan sa buhay ko.
Nilagok ko ang kape at winaglit ang mga iniisip ko.
"Kailangan ko ng umuwi, sabay na kayo sa'kin para maihatid ko kayo." Ani Cj habang nililigpit ang laptop at mga papel na nagkalat sa lamesa.
Ngumiti ako "Mauna na kayo, dito na lang muna ko."
"Balak mo bang magpakalunod sa kape? Sa pagkakaalam ko pag broken hearted ang isang tao liquors ang iniinom hindi kape." Sabi ni Kenlyn.
"Shut up Ken, hayaan mo na lang siya. At hindi naman umiinom yan." Sagot ni Cj.
Ilang minuto lang nagpaalam na sila sa'kin at umuwi na.
