"Ano ba, Nicole napakabagal mo!" Sigaw ni Mama sa labas ng kwarto ko.
Nakaka sampung katok na yata siya kanina pa, inip na inip na daw kasi sila Kenlyn sa paghihintay sa sala. Ngayon na kasi ang alis namin. At masyado silang excited. Kaya heto at minamadali nila ako.
Sinisintas ko na ang suot kong converse shoes. Lumingon ako sa wall clock, it's already 4:30 A.M. Maaga nila gustong umalis para wala daw traffic at maaga din makarating sa pupuntahan.
"Nicole!" Katok ni Mama.
Tumingin ako sa salamin at inayos ang braided kong buhok "Opo! Heto na!"
Muli kong pinasadahan nang tingin ang sarili ko sa salamin. Ngumuso ako at umiling, oo na Anastasia Nicole maganda ka na.
Isang faded shorts at midnight blue t-shirt ang suot ko. Nagdala na rin ako ng jacket para sigurado. Binitbit ko ang lowe alpine bag para sa hiking at isang travel bag. Siguro sa dami kong dala mapagkakamalan akong balikbayan.
Dinatnan ko sa sala si Maxwell. He's alone "Where are they?" Salubong ko.
Pinasadahan ko ng tingin ang suot niyang simpleng black shorts at white t-shirt.
Kinuha niya ang bag na dala ko, gusto ko sanang bawiin pero nilipat niya ang bag sa kabila niyang kamay. "Nasa van."
"Damn girl, ang tagal mo! 3:30 ang alis na usapan and goodness! Anong oras na!" Sabi ni Ken. Nakashorts din siya at suot niya ang isang black pullover hoodie.
"Well, sorry na late ako ng gising." I chuckled.
Pumwesto ako sa tabi ng bintana at sa likuran ko si Cj at Athena na nag aagawan sa pwesto malapit sa bintana.
"Ano ba, Cj! Kung gusto mo dito, sige dito ka pero ikakandong mo ko." Natatawang sabi ni Athena
Sinaway ni Maxwell ang kapatid niya
"Kayong dalawa! Tumigil nga kayo! Tatadyakan ko kayo palabas dito!" Sigaw ni Ken sa kanila.
Pare pareho silang naka pullover hoodie, Gray ang 'kay Cj. Blue kay Athena. Except sa amin ni Maxwell na naka t-shirt lang.
Sumakay na si Maxwell matapos ilagay ang gamit ko sa likod. Kami lang dalawa ang magkatabi.
Kumalabog ang pintuan dahil lumabas si Cj at lumipat sa harapan para mag drive. Wala daw kasi ang driver nila Maxwell kaya napag pasyahan na si Cj ang mag drive at papalitan siya ni Maxwell paglabas ng Pampanga.
Sumunod sa kanya si Athena patungo sa passenger seat. Umirap na lang si Cj sa kakulitan ng kapatid ni Maxwell. Nagsimula ng umandar paalis ang van.
"Ikaw naman pala ang mag da-drive. Bakit tinabihan mo pa ako sa likod kanina?" Tanong ni Athena.
"Tss. Shut up." Ani Cj.
Humalakhak si Athena "Always looking for ways to spend more time with me, aren't you Carl Jansen?" Panunuya ni Athena.
Nasubsob ako ng biglaang pumreno si Cj "Fuck!" Sigaw namin.
Humagikgik si Athena sa harap at lumingon na lang sa labas. Hay 'naku!
Malapit ng sumikat ang araw pero papalabas pa lang kami ng Metro Manila. Nakasandal lang ako sa bintana ng van at pinanonood ang mga nadadaanan namin.
Samantalang ang katabi kong si Maxwell busy sa kung anong tinitignan sa phone niya.
Tinanggal ni Athena ang headphone niya at binuksan ang stereo ng sasakyan. Nagsawa na siguro sa music niya. Isang kantang familiar sa akin mula sa isang movie ang narinig ko.
