Nagising ako sa lakas ng ringtone ng cellphone ko.
Kinapa ko ito sa gilid ng kama at kaagad sinagot "H-hello?"
'Nicole...' His voice was husky. Si Tristan and mukhang lasing siya.
Napadilat ang mata ko sa gulat at tumayo mula sa pagkakahiga "T-tristan? What do you need?" Mabilis 'kong tanong.
'Puntahan mo ko.. Please'
Bullshit! Kung ano ang kailangan niya ay hindi ko alam. May namuong galit sa sistema ko "Tristan gabi na. Tatawagan ko ang mommy mo para masundo ka--"
'I need our closure."
"Damn it! Anong closure pa ba ang kailangan mo? Niloko mo ko kaya iniwan kita!"
'I love you.. puntahan mo ko please. Kahit ngayon lang please i'm begging you..' Narinig ko ang paghikbi niya sa kabilang linya
Nagagalit ako sa sarili ko kasi bakit ako nakakaramdam ng ganito? Bakit nanlalambot ako?
'I'm sorry.. i'm sorry kasi nasaktan kita.. please puntahan mo ko.'
Namuo ang luha sa mga mata ko at hindi kaagad ako nakapagsalita, ayoko na rin magsalita dahil natatakot 'akong may lumabas na hikbi sa bibig ko. I hate it.
'Hihintayin kita.. andito ako sa bahay. Take care.. I love you..' He hangup.
Ilang minuto 'akong natulala bago napag desisyunan na puntahan siya. Sa bahay naman nila at sigurado 'akong nandoon naman ang parents at mga kapatid niya.
Fuck! Naiinis ako sa sarili ko pero.. Nevermind.
Tinext ko si Kenlyn at sinabi ko sa kanya na magkikita kami ni Tristan, hindi pa siya nagrereply siguro tulog na siya.
Tinali ko ang buhok ko. Tumingin ako sa wallclock 1:24 A.M. Siguro by 2 A.M kailangan nakauwi na ko.
Nag abang ako ng taxi at swerte naman dahil hindi ako natagalan sa paghihintay dahil ganitong oras bihira na ang dumadaan ditong mga sasakyan.
Nag doorbell ako at mabilis niya akong pinagbuksan ng gate.
Dahan dahan akong naglakad papasok. Inalalayan niya ako paupo sa sofa.
"A-asan sila tita?" Nanginginig 'kong tanong. Umupo siya sa tabi ko kaya umusog ako ng konti palayo.
Pinasadahan ko ng tingin ang sampung bote ng beer sa ibabaw ng lamesa ang iba ay nasa sahig at mayroon pang basag malapit sa hagdan.
"Wala. Out of town." Sagot niya.
Kinabahan ako sa sagot niya "Uh...uhm ano gusto mong pag usapan? S-susunduin ako ni C-cj kaagad." Pagsisinungaling ko.
May tiwala ako sa kanya na wala siyang gagawing masama kaya pilit 'kong kinakalma ang sarili ko.
"Takot na takot akong mawala ka sa'kin.." Panimula niya. "Pero ang gago ko kasi niloko kita, ang akala ko mapapatawad mo ko--"
"Tristan napatawad na kita." Mabilis kong sagot.
"Yeah.. pero 'yun na lang ang kaya mong ibigay. Hindi ka na babalik alam ko.." Yes. Tama ka. Gusto ko isagot 'yan sa kanya pero mas pinili kong itikom na lang ang bibig ko.
"Mahal na mahal pala talaga kita." Sambit niya at mahinang tumawa. Nag iwas ako ng tingin ng bigla niya akong lingunin. "Give me a second chance, please." Pagsusumamo niya at kumawala ang hikbi mula sa bibig niya.
"Tristan alam mong hindi na mangyayari yun, pagod na ko. Wala na akong tiwala sayo. Ubos na ubos na ko." Sagot ko. Kinagat ko ang labi ko dahil natatakot akong umiyak.
