Chapter 9: Butterflies

34 2 9
                                    

"Make it fast!" Pag irap ni Ken kay Cj habang nasa tapat kami ng suit.


Paalis na kami para mamasyal pero si Cj na lang ang hinihintay. Aniya'y sumakit ang tiyan niya kaya natagalan sa C.R.


"Done!" Sigaw ni Cj at nagpatiunang lumabas.


Ngumuso ako nang umakbay sa'kin si Ken. "Paalis pa lang tayo pero parang gusto kong bumalik agad sa room. To rest." Tawa niya.


"Pero kung madaliin mo si Cj kanina?" I smirked.


Tinawanan lang niya ako at naunang sumakay ng van. Umakma akong susunod sa kanya sa loob ng harangin niya ako.


"Hep! Hep! Dito ka." Turo niya sa front seat.


Nilingon ko si Maxwell na sumisipol papasok ss driver seat. Kinagat niya ang labi niya at nagpigil ng ngiti.


"What are you waiting for? Christmas? Kaladkarin ka ni Max? Sige na dito ka na!" Sabi ni Ken at sinaraduhan ako ng pinto. Mahina ko yon sinipa.


"Bruha!" Sigaw ko.


"Anastasia..." Pagtawag ni Maxwell.


Lumunok ako bago pinilit na ihakbang ang mga paa ko "O-okay."


Hindi ko alam kung bakit naghuhurumentado ako kapag alam kong makakasama ko nanaman siya, what i mean yung malapit siya sa'kin.


"Drive safely." Paalala ni Athena sa kuya niya. Nilingon ko siya sa rear view mirror. Matutulog ata siya. Napapagitnaan siya ni Ken at ni Cj.


"Of course." Sagot ni Maxwell habang nakatitig sa'kin.


Umiwas ako ng tingin at umayos ng upo. Bwisit na mata yan.


"Why are you wearing that.." Pagbasag ni Maxwell sa katahimikan.


Hindi niya tinapos ang sasabihin niya. Akala ko si Athena ang tinutukoy niya dahil sa suot nitong shorts at long sleeves off shoulder pero napagtanto kong ako ang tinutukoy niya nang lumingon siya sa'kin.


Kumunot ang noo ko at tinignan ang suot ko. Jeans and Pullover. What's wrong with it?


"Why?" I asked.


He looked away and bit his lower lip. "Wala lang. You're such a good girl."


I gulped. Nag init ang pisngi ko at pakiramdam ko mukha na kong siling labuyo. Na balak pa atang gatungan ng mga ulupong sa likod.


"Inu-under mo ata e," Ani Cj. Shit!


Tumingin ako sa kalsada at eksaktong napadaan kami sa isang Public Market dito sa Baguio City. Nagpanggap na lang akong namamangha sa isang tinderang nakikipag talo sa customer at balak pa atang batuhin ng paninda niyang karne. Oh wow! Go ale support kita! Batuhin mo, bulls eye dapat ah?


"Wrong move. Nicole doesn't want a strict boyfriend when it comes to relationship." Gatong ni Ken. Oh no! Stop it! Ugh!


I heard Maxwell laughed "She's mine and i'm coming over to claim her as that and take her home. That's it."


Nilingon ko siya at nilakihan ko siya ng mata. Tinaasan niya ako ng kilay at tinawanan lang ako. Sinamaan ko siya ng tingin.


"You must love in such a way that the person you love feels free, kuya." Tikhim ni Athena.

"I know, free to love me, free to do whatever she wants. Basta sa'kin." Sagot ni Maxwell.


Pasimple akong napasapo sa noo ko. Gusto kong sumagot pero mas gustong umurong ng dila ko at ayaw makisama. Gusto kong sumagot na wala naman kami kaya walang higpitan na magaganap pero mas lalong ayaw kong sabihin? Magulo. Yeah. Tss. Annoying. Sign! I need sign!


When She CriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon