Just like weather, people change. Just like colors, feelings fade.
Nakatitig ako sa isinulat ko sa sticky note na idinikit ko sa Freedom Wall ng school.
Pinilig ko ang ulo ko at kinuha ang sticky note na nakadikit dito, pinunit ko ito at ibinulsa.
"Bakit mo inalis?"
Napatalon ako sa gulat nang may bumulong sa Tainga ko. Hinarap ko ito at tinaasan nang kilay.
Napatitig ako sa mukha niyang hindi familiar sa'kin. Sa suot niyang black pants at gray t-shirt masasabi kong hindi siya nag-aaral dito, mukhang kaedad ko lang din siya.
"Tapos kana bang kilatisin ako?" aniya.
Tumikhim ako "Hindi kita kilala."
"Kilala kita, ikaw si Nicole ang Girlfriend ni Tristan tama ba?"
Napapikit ako nang banggitin niya si Tristan at kung ano ako sa buhay niya. Girlfriend? hanggang kailan pa? parang sinaksak ang puso ko sa inisip ko.
"A-ako nga." pag aalinlangan kong sagot, at umakmang aalis na.
Nanlaki ang mata ko nang higitin niya ang braso ko "Bitiwan mo nga ako!" sigaw ko at kinalas ko ang kamay niyang nakahawak sa'kin.
"Kilala kita at kilala ko si Tristan." Aniya.
Ano bang trip ng lalaki na 'to? At ano naman kung kilala niya kaming dalawa? May maitutulong ba 'yon sa ekonomiya ng bansa?
Naiinis na 'ko ha.
"Alam ko kung nasaan siya." Dugtong niya. Napalunok ako at tinitigan siya. Nag aabang lang naman ako kung may sasabihin pa siya.
Magtitiwala ba ako dito? Ilang araw ko na rin hindi nakakausap si Tristan at hindi ko alam kung nasaan siya, hindi rin siya nagpapakita sa akin.
"Ano naman kung nasaan siya?" Tanong ko. Gusto ko rin malaman kung nasaan ang Boyfriend ko.
Kinagat niya ang labi niya at humakbang palapit sa'kin. Napalunok ako at umatras "Alam ko kung nasaan siya." Aniya at tinalikuran ako at naglakad palayo.
Tinitigan ko lang siyang naglalakad palayo hanggang sa nagdesisyon akong sumunod kung saan siya papunta.
Paulit ulit ko siyang tinatanong kung saan ba talaga kami pupunta pero hindi niya ko kinikibo.
Napasapo ako sa noo niya nang mauntog ako sa likod niya "Bat ka huminto?!" Iritable kong tanong habang hinihimas ang noo ko.
"Andito na tayo." Aniya.
Tinignan ko kung nasaan kami, nasa park kami malapit lang sa school na pinapasukan ko.
"Siya ang Girlfriend ko, si Yna." Sabi ng lalaking kasama ko.
Tinignan ko ang babaeng tinuro niya na nakaupo sa isang bench. Lumapit sa kaniya ang isang lalaki at binigyan siya ng bouquet at hinalikan siya nito sa labi.
Umiling ako at nanghina ang mga tuhod ko, unti unting tumulo ang luha sa mata ko. Hindi kinaya ng sistema ko ang nakita ko "S-si Tristan."