Masydong mabilis kung iisipin na ganun kadali 'kong natatanggap lahat. Siguro dahil alam ko kung paano ko pahalagahan ang sarili ko at alam ko kung hanggang saan lang ba dapat ang magiging desisyon ko. Marami pang tanong na nakakapag pabagabag sa akin kahit nasagot na, pero hindi ko na 'yon kailangan intindihin. Kailangan 'kong mag focus sa sarili ko. Ganun naman talaga dapat diba? Hindi porket nasasaktan ka ilulugmok mo ang sarili mo. Dapat ikaw mismo ang tumulong sa sarili mo para bumangon. Matatag ba? Hindi. Nasa tamang pag-iisip lang. Hindi lang naman kay Tristan umiikot ang mundo ko, sabihin na natin minahal ko siya oh mahal ko siya pero hindi ibig sabihin 'nun na uunahin ko ang nararamdaman ko sa kanya. Pinatawad ko siya dahil ayoko ng galit pero hanggang doon na lang 'yun. Sapat na ang patawarin siya. Masyadong mahaba ang buhay, may future ako at hindi na siya kasama doon.
"Grabe antagal naman niyan!" Sigaw ko kay Cj na nasa puno ng mangga upang kumuha ng bunga.
"Hindi makapag intay? Atat na atat?" Sigaw niya pabalik.
Humalakhak ako ng ibato niya sa amin ni Ken ang mga mangga na nakuha niya. "Oh ayan! Mga pangit na to! Sa susunod kayo ang kumuha ah?"
Nakatambay kami ngayon sa likod ng soccer field. Wala naman kaming mga klase pare pareho kaya nandito kami.
Masyado 'yata akong nalasing noong isang gabi sa Maristela's Place. Hindi ko first time uminom pero siguro masyadong naparami ang shot na nalagok ko.
"Ang asim naman nito!" Pag ngiwi ni Cj.
Hindi kami masyadong kinikibo ni Ken dahil nagbabasa siya ng libro tungkol sa kurso niya.
"Wala talagang balak magbago isip mo Ken?" Pang iistorbo ko sa kanya.
Noong highschool kami madalas kasi siyang magpabago bago ng isip. Minsan niya nang ginustong maging Doctor, Teacher, at mag Business.
"Eto talaga ang gusto ko." Simple niyang sagot.
"Bakit naman?" Sunod na tanong ni Cj.
"Naaawa ako sayo eh, kapag nakulong ka ako ang hahawak ng kaso mo." Sabi ni Ken at natatawang inirapan si Cj.
Binato niya si Ken ng balat ng mangga "Abogago!" Sigaw ni Cj.
Si Kenlyn may pagka masungit pero hindi tinatablan si Cj ng kasungitan niya. Dahil sa ugali 'nitong si Cj na lahat na yata ng kapilyuhan nasa kanya. Ako lang yata ang naiiba sa kanila dahil tahimik lang naman ako.
"Annoying! Umalis ka na nga! You should get yourself a girlfriend, para naman hindi kami ang binibwisit mo." Ani Ken.
Tumawa ako at pinanood na lang kung paano mag sapakan ang dalawa. Mga baliw talaga.
"Oh? Saan ka pupunta?" Tanong ko kay Ken ng namataan ko siyang tumayo at inaayos ang bag.
"May klase pa ako e." Aniya.
"Maiiwan ako kasama itong bwisit na'to?" tinuro ko si Cj.
Natawa ako ng matalim niya akong tinitigan.
"K. Fine! alam ko naman hate niyo ko." Sabi niya at inirapan ako. aba ang lalaking to! nagtampo kaagad? ang lakas mang asar pero pikon naman.
"Hoy! huwag ka ngang ano dyan."
Sa pangalawang pagkakataon umirap nanaman siya. nagkatinginan kami ni Ken at parehong natawa "Love ka kaya namin!" i pouted.
"May klase din ako maiwan ka na namin dyan." Masungit na sinabi niya at naglakad palayo.
"Hoy Andrada!" Sigaw ko sa apelyido niya. hinarap niya ko at pinandilatan ng mata. "Dyan ka mag isa mo! tara na Ken!" aniya at kinaladkad si Ken. tawang tawa si Ken habang naglalakad sila palayo.