Chapter 7: I can't

32 3 3
                                    

Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog. Matagal bago ako dinalaw ng antok. Gustong gusto kong dumilat kagabi, gusto kong marinig lahat ng sasabihin niya kung meron pa ba. I want to hear everything. Kahit ano pa 'yon. Basta galing sa bibig niya.

"Good morning, sleepy head!" Tawa ni Ken.

Pumupungas pa ang mata ko bago ko tuluyan naidilat. Nakaupo si Ken sa tapat ko at kumakain ng barbecue.

"Wake up! Maaga tayong bababa papuntang Baguio." Sigaw ni Cj sa labas.

"Mag ayos ka na. Bilisan mo. Kumain ka na din." Sabi ni Ken at lumabas ng Tent.

Tumunganga muna ako ng ilang sandali. Naalala ko ang nangyari kagabi. Hindi ko alam kung ipapaalam ko ba kay Maxwell na narinig ko 'yun kagabi oh wag na lang dahil baka mahiya siya at iwasan ako. Jeez. Ako ang gustong umiwas pero natatakot ako na ako ang iwasan. Magpapanggap na lang akong normal na parang walang nangyari.

Paglabas ko, bumungad sa'kin si Athena na nagsusuklay at nakabihis na.

"Good morning! Ready na kami." Aniya.

Nagtama ang paningin namin ni Maxwell. Ngumiti siya pero mabilis akong bumaling kay Athena "O-okay."

Kinuha ko ang bag ko na may laman na mga damit para maligo sa maliit na restroom. Mukhang ako na lang talaga ang hinihintay nila. Isang araw lang ang itinagal namin dito, wala naman yun problema sa'kin dahil parang ayaw ko din magtagal dito.

Mabilis lang akong naligo dahil malamig ang tubig. Pagkatapos kong magbihis ay hinigit ko ang bag ko at lumabas.

Nagulat ako at napahawak sa dibdib ko. "Ghad! You're giving me a heart attack!"

Hindi siya sumagot. Sa halip ay nakatingin lang siya sa'kin. Hindi ko kayang makulong sa mga mata niya kaya mabilis akong umiwas at umakmang aalis na.

Nanlaki ang mata ko ng harangan niya ng braso niya ang dadaanan ko. "W-why?"

"What time did you sleep last night?" He asked.

Kinagat ko ang labi ko. "Answer me." Aniya.

"M-mabilis din akong nakatulog kagabi, h-hindi ko n-namalayan." Tikhim ko.

Pumikit siya at marahang tumango. Pinakawalan niya ako at mabilis akong naglakad paalis.

Kung inaalala niya kung narinig ko ang mga sinabi niya kagabi? Hell no. Di ko sasabihin sayo ang totoo. Ayokong magkaroon ng awkwardness between us. Gusto niya ako? Paano? Bakit? Para saan? Rebound? Ayoko. Alam kong mahal niya pa si Yna kaya imposible ang mga pinapakita niya.

Nang makabalik ako sa tent, inayos ko ang tamang pagkakalagay ng toothbrush sa bag ko. Pati na rin ang iba kong damit na hiniwalay ko sa marurumi.


Napako ang tingin ko sa scarf at beanie na binigay ni Maxwell, gagamitin ko pa ba to? Damn, bakit hindi? This feeling is really disgusting! Ugh! I decided na wag na lang gamitin. Makapal naman na 'tong mga suot ko, tanghaling tapat naman at medyo mainit ang sikat ng araw kaya siguradong hindi ganun ka-lamig.


"You done?" Tanong ni Cj. Kinukuha niya ang ibang gamit niya dito sa tent.

"Uh-huh." Sabi ko at pinasadahan ng daliri ang buhok ko.

"Let's go." Aniya.

Ngumuso ako at sumunod sa kanya palabas.
Handa na silang lahat. si Athena ay nag stretching pa, aniya'y mahaba haba pa ang tatahakin pababa.

When She CriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon