Chapter 8: Chance

30 3 5
                                    

Sumisipol si Cj habang nag dadrive. May kung anong pinag uusapan naman si Ken at si Athena sa likod, nakikisali rin naman ako minsan sa usapan nila at madalas kong sulyapan si Maxwell na nakapikit lang at may earphone sa tainga.

"Malapit na ba tayo?" Tanong ko.

"Minutes away." Sagot ni Cj.

"Ewan ko kung anong meron sa dalawa na'to! Hindi sila nagpapansinan." Ismid ni Athena kay Maxwell.


"Nicole, bakit ba kasi? Did you two fight?" Tanong ni Ken.


"Nope. Pagod lang siguro sa paglalakad." Sagot ko.


They have no idea what happened to us. At ayoko din naman muna ipaalam 'yun sa iba. Mas mabuting sa amin na lang muna. Pag walang ibang nakakaalam, walang makekealam. Dahil magkakaiba ang opinyon ng bawat tao. Maari pa itong makagulo.

"We're here."

Nauna akong bumaba. Tumumbad sa'min ang isang Transient House. Binasa ko ang wooden sign board sa gilid ko na may nakalagay na 'Elmar Cabin."

Hinayaan namin si Cj at si Ken na magpunta sa front desk. Nag abot ako ng sapat na pera para sa five thousand na pag aambagan namin na bayad dito. For three days.

Pare pareho silang nakatulala at tingin ko ay mga pagod na. Tinignan ko si Maxwell na nakasandal sa isang gilid, nakahalukipkip at nakapikit. Dumilat siya at mabilis akong umiwas ng tingin.

Iwinagayway ni Cj samin ang susi hudyat na pwede na kaming umakyat. Sa Room 2 kami pumasok at tumumbad samin ang dalawang wooden double deck sa magkabilang gilid at may napapagitnaan na single bed. Airconditioned, may maliit na sala at may lababo. May sliding door sa gilid na natatakpan ng kurtina. Hinawi ko ang curtina. Veranda pala, at may sofa at coffee table, may maliit din na book shelves at may mga libro.

Mukhang mas maeenjoy ko pa itong kwarto kesa sa mga pupuntahan namin sa mga susunod na araw.


"Hindi kayo matutulog?" Tanong ni Ken habang humihikab.


Humiga na siya sa itaas sa kaliwang double deck. Doon na siguro ang pwesto niya. Si Cj ang sa ibaba.


"Are we going somewhere tomorrow?" Tanong ko.


"Yup. So kailangan natin mag ipon ng energy!" Tawa ni Ken. Tumango ako.


Lumingon ako sa CR. Maliligo na lang siguro muna ako bago matulog. Pinasadahan ko ng tingin ang bintana, hinawi ko ang kurtina. Palubog na ang araw.


"Ano ba! Ang likot mo!" Reklamo ni Cj kay Ken at kinakalampag niya pa. Tumawa na lang ako.


Kinuha ko ang twalya ko at isang pares ng pantulog at nilagay ko sa loob ang toothbrush. May shampoo naman siguro dito.


Pumasok ako sa CR at pinasadahan ito ng tingin, kumpleto lahat. Wala nga lang shower. Mabilis akong natapos at nagbihis. Paglabas ko ay ingay na lang ng aircon ang naririnig ko. Tulog na silang lahat.


Bakante ang ibaba ng double deck sa kanan. Sa taas si Athena at si Maxwell sa single bed. Dahan dahan akong pumunta sa pwesto ko at humiga matapos magpatuyo ng buhok.


Lumingon ako sa kaliwa kung saan naroon si Maxwell. Na napapagitnaan namin ni Cj.


Niyakap ko ang unan ko. Malapit lang siya sa'kin kaya pinasadahan ko ng tingin ang buong mukha niya. Nalulungkot ako na hindi ko na magawang lumapit sa kanya katulad ng dati.


When She CriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon