Nakatulala lang ako sa kisame habang nakikinig ng kung anong kanta sa earphone ko. Maya't maya akong lumilingon sa pintuan ng veranda. May humihila sa mga paa ko papunta doon, gusto 'kong pumunta doon. I wanna hug him.
I bit my lower lip. Padabog akong nagtalukbong ng kumot. Gusto ko na hindi. Magulo, magulong magulo. Rinig na rinig ko ang malulutong na mura ni Cj at ang tawanan nila. Kung pupunta ako doon wala rin akong mapapala, nagkakasiyahan sila.
I just want to sleep, Pero kahit ang sarili ko ayaw sumang ayon sa mga gusto ko. Hindi na ako umalis sa pagkakatalukbong ng kumot hanggang sa ang mga tawanan ay unti unting lumalapit. Amoy na amoy ko ang alak at ang mga maiingay nilang tinig habang humihiga sa mga kama nila.
Hinintay 'kong humupa ang tawanan hanggang sa tunog na lang ng aircon ang naririnig ko. Unti unti kong ibinaba ang kumot. They're all asleep.
Dahan dahan akong tumayo at gamit ang kamay ko sinuklay ko ang buhok ko. Tinanggal ko ang earphones ko at binitawan ito sa kama kasama ang cellphone ko. Hinawi ko ang kurtina sa bintana at tiningala ang madilim na langit.
Isinuot ko ang tsinelas ko at lumabas ng suite. Kaliwa't kanan kong tinignan ang corridor at naglakad papuntang hagdan.
Nagulat ako ng may marahang humawak sa braso ko "Saan ka pupunta?"
Mapungay ang dalawang mata ni Maxwell at magulo pa ang buhok niya, amoy na amoy ko ang naghahalong beer at pamilyar na perfume niya.
"Bakit gising ka pa? Lasing ka, dapat nagpapahinga ka."
"Tinatanong kita. Saan ka pupunta?" Binitiwan niya ang braso ko.
"J-just outside." Napakapit ako sa railings ng hagdanan. Parang gustong kumawala ng puso ko sa sobrang kaba. Kung pababalikin niya ako sa kwarto ay susundin ko siya. Bawat salitang sinasabi niya at presensya niya ay nagpapakabog na ng dibdib ko.
"It's late. Bakit ka pa lalabas?" Muli niyang tanong. He crossed his armas and raised his eyebrows.
"I need air." Iyan lang ang tanging nasagot ko.
He sighed "Want some coffee?"
Lumawak ang ngiti ko. Sasamahan niya ko! "Dito ka lang, wait for me."
Tinalikuran niya ako at bumalik sa kwarto. Mabilis din siyang bumalik dala ang dalawang jacket.
Iniabot niya sakin ang isa. Inilaylay ko ito at medyo malaki. Ngumuso ako at tinignan siya.
"That's mine. Ayokong kalkalin ang bag mo kaya sa akin ako kumuha ng para sa'yo." Aniya.
Ipinatong na lang niya ang jacket sa ibabaw ng tshirt ko. Sinulyapan ko ito at medyo lumalaylay pa sa pajama ko.
Nauna siyang bumaba ng hagdan at bawat segundo ay sinusulyapan niya ako, kung hindi lang ako maingat baka nahulog na ako dito.
Humalukipkip ako dahil sa lamig. Nakatingala ako sa langit habang unti unting naglalakad.
"Saan tayo?" Tanong ko "Magdadrive ka?" Nasagot din anong tanong ko ng nilagpasan namin ang van. Maglalakad lang kami.
"Brownflour Café." Aniya.
Ilang metro ang distansya namin dalawa. Nakahalukipkip siya habang naglalakad. Nababalot kami ng nakakabinging katahimikan. Walang gustong magsalita.
Ilang minuto lang ang nilakad namin at narating din namin ang Café na sinasabi niya.
Sabay kaming nagpunta sa counter "Umupo kana 'don." Aniya.