Chapter 6: Sleep now

34 3 5
                                    

"Ang ganda.. Napakaganda"

Fucking shit! Ano ba 'tong ginagawa niya?

Tumawa siya at lumingon sa sea clouds. Nakakainis! Pinagtitripan niya ba ako?

Nakakunot ang noo ko habang nakatitig sa kanya. Tumatawa lang siya at paulit ulit binabanggit ang salitang 'Maganda'.

Lumingon siya sa'kin "Oh? Bakit?" Tawa niya.

Inirapan ko siya. Tumigil siya sa pag tawa "Oh? Bakit nanaman? Ang sungit mo kanina pa." Aniya.

Tinalikuran ko siya at naglakad patungo sa mga kaibigan ko. "Picture tayo!" Anyaya ni Kenlyn sa'kin.

Humahalakhak ako habang tinitignan ang itsura namin ni Ken sa mga picture.

"Ano ba 'yang wacky na yan? Para ka naman kinagat ng buwaya sa paa." Natatawang sabi ni Ken.

Napawi ang ngiti ko ng mapadaan ang tingin ko kay Maxwell. Nakahalukipkip siya habang seryosong nakatitig sa'kin. Letseng to! Dudukutin ko 'yang mata mo pag hindi ka tumigil! Dudunggulin kita tignan mo lang!

"Let's eat!" Sigaw ni Cj matapos niya ayusin ang dalawang camping tent.

"Bonfire tayo mamaya!" Masiglang sabi ni Athena.

Good idea girl, iihawin ko ang kuya mo. Susunugin ko siya, uunahin ko ang mata niya.

"Of course! I bring the drinks nga, eh." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Kenlyn.

"What? Baka mamaya niyan sa sobrang kalasingan may isa satin ang mahulog diyan." Turo ko sa dulong bahagi ng bangin.

"Coming from you? You already know what will happen to you." He laughed.

"Why? I will catch her then." Pagsabat ni Maxwell.

Napalunok ako at nag angat ng tingin sa kanya na seryosong nakatitig sa'kin. Kapag ikaw hindi tumigil ikaw ang itutulak ko 'don.

Hindi ko alam kung pinagtitripan ba niya ako oh ano? Bakit siya ganito? Sa tuwing tinitignan niya ako parang may kung anong nagwawala sa sistema ko, alam ko ang pakiramdam na'to. pamilyar na pamilyar.

Tinignan ko ang mga kaibigan ko, wala naman silang reaksyon sa sinabi ni Maxwell? Parang narinig lang nila sa isang tainga at lumabas sa kabila, wala naman mali sa kanila. Siguro ako lang 'tong nasisiraan ng ulo dito.

Naiwan akong mag-isa dito sa labas ng tent matapos nilang kumain.

Lumapit si Cj sa'kin. Siniko niya ako "Hey girl, napapansin kita. Why are you so quiet? Hindi ka ba nasisiyahan sa mga natatanaw mo?" Aniya.

"Of course nasisiyahan, ano bang klaseng tanong yan? Tinatamad lang ako." Aniya.

Umiling siya at tumawa "Ang tahimik mo kasi, kaunti na lang iisipin kong may tampo ka samin at iniiwasan mo kami." He pouted.

"Of course not!" Natawa ako.

"Carl! Tara!" Sigaw ni Maxwell sa kanya. Mukhang gagawin na yata nila ang bonfire.

"C'mon! Tara!" Pag anyaya din niya sa'kin bago lumapit sa tumawag sa kanya. Tumango lang ako.

Hindi ko magawang makisalamuha sa kanila dahil kinakabahan ako na hindi ko maintindihan, gusto kong lumayo.. no, I want to stay away from him. Pakiramdam ko natatakot ako na baka maapektuhan ako sa mga ginagawa niya. I'm not blind and i can see that.

When She CriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon