Nakatulala lang ako habang pinaglalaruan ang ballpen na hawak ko. Iniisip ko lang kasi 'yung nangyari no'ng nakaraang linggo. 'Nong oras na iyon inumaga na ako ng uwi at dinatnan ko sa bahay si Cj at si Ken. Anila ay nag aalala daw sila, at gusto nila na malaman ang nangyari. Galit na galit sila pareho at gusto pa nilang puntahan si Tristan, pero pinigilan ko na lang sila para hindi na lumaki ang gulo.
"Nics stop it! Maingay." Saway ni Ken at tinapik ang kamay ko. May tinatype kasi siya sa laptop niya at busy'ng busy talaga siya. So grade conscious.
Nakatambay kami ngayon sa garden ng school at nakaupo sa wooden table sa ilalim ng puno. At tinutusok ko ng ballpen ang nakaukit na 'Eastwood College' sa table.
"Vacation is coming!" Sigaw ni Cj sa malayo.
Lumingon kami pareho ni Ken sa kanya at paparating siya habang may dalang milktea, sandwiches, at junk food.
"And so? Excited ka kaagad? Siraulo! 'Wag kang petiks dyan!" Sagot sa kanya ni Ken.
Hindi niya pinansin ang sinagot ni Ken "What's the plan dear?" Sambit ni Cj at umupo sa tabi ko.
"I don't know." Simpleng sagot ko at hindi man lang siya tinapunan ng tingin.
Nanlalaki ang mata niya at kumunot ang noo. Gulat na gulat? Tss. "Lagi 'kayong magkasama ni Maxwell tapos wala pa kayong plano?"
Sinalpakan ko siya ng tinapay sa bibig "Shut up! Busy ako okay? Siya ang tanungin mo kung gusto mo."
He's wrong... or maybe hindi? Yes madalas na kami magkasama ni Maxwell nitong mga nakakaraan. Kapag naglalakad kasi ako pauwi palagi 'kong nadadaanan 'yung coffee shop at palagi siyang nandun. Sinasabayan niya ako sa paglakad pauwi minsan hinahatid gamit ang sasakyan niya. That's it.
"Childish. 'Yan lang nagtatalo kayo." Sabi ni Athena na kararating lang din.
Inirapan ko siya "Eh eto 'kasing crush mo!" Turo ko kay Cj.
"Bago niyo pag usapan 'yan make sure wala munang problemang maiiwan bago umalis, well 'iyan kasi ang bilin ni kuya." Sabi ni Athena.
"Human Resource Management, na lang ang problema ko at.. madali na lang 'yun." Pagmamayabang ni Cj.
"Syempre magsisipag ka, vacation na. Hindi ka papayag mapurnada ang gala mo." Natatawang sabi ni Ken.
"Makapagsalita kayo, eh sasama din naman kayo!" Sigaw ni Cj.
Humalakhak ako. Natuon ang atensyon namin kay Athena nang tumunog ang cellphone niya. "Kuya, texted me. i-meet daw natin siya sa coffee shop mamaya."
"Speaking of. Mukhang good mood si Cj ngayon at sa mga susunod na araw. The fucking traveler is happy." Natatawang sabi ni Ken, habang patuloy pa rin ang ginagawa sa laptop niya.
"Gusto ko rin naman mag travel. Pero we can stay here naman! You know, party--"
Pinutol agad ni Cj ang sinasabi ni Athena "Shut up. Kung ayaw 'mong sumama, Stay here then." Sarkastikong sabi niya.
Sumimsim ako sa milktea at inalog alog ang pearl sa ilalim habang pinakikinggan mag talo ang dalawa "Gusto ko rin naman sumama, gusto ko lang pilitin mo ko." Umirap si Athena at nag martsa paalis.
"What the fuck?" Halakhak ko at nakipag high five kay Ken.
Masyadong transparent si Athena sa pagka crush niya sa Bestfriend 'kong si Cj. At kung ako sa kanya? Iuncrush ko kaagad ang kumag na'to.
