"Pupuntahan namin kayo dyan." Ani Maxwell sa kausap niya sa cellphone.
"We are 5 minutes away.. Yes," Sagot muli ni Maxwell at nilingon ako. "Stay there." Dugtong niya at binaba na ang cellphone.
"Si Athena." Pagtukoy niya sa kausap niya. I knew it.
Siguro ay tinawagan niya para sunduin at sabay sabay na kaming uuwi. Hindi pa rin ako kumikibo at hindi ko din siya nililingon. Pakiramdam ko pagod na pagod ako. I'm tired emotionally and physically.
"May gusto ka bang kainin? Name it. Ken will cook." Aniya.
Umiling lang ako ng hindi siya nililingon. Ang totoo nyan nahihiya ako sa kanya, palagi na lang akong ganito.
Hindi na siya sumagot. Sa malayo pa lang natatanaw ko na ang mga kaibigan ko na kumakaway sa amin. Hinintuan namin sila.
"Oh? Kamusta ang lakad?" Masiglang tanong ni Ken pagkasakay niya.
Hindi ako sumagot at hindi rin ako lumingon.
"Uh.. Maayos naman," Dahan dahang sagot ni Maxwell.
Natanaw ko sa salamin na nagpalipat lipat ang tingin ni Ken sa amin dalawa ni Maxwell.
"Cj," Pagtawag ni Ken kay Cj.
Kumunot ang noo ni Cj at padabog na tinanggal ang earphone niya para tignan si Ken ng may halong pagtataka, nilakihan siya ni Ken ng mata at mukhang nagkaintindihan ang dalawa dahil lumabas si Cj ng sasakyan at umikot patungo sa akin.
Kinatok niya ang bintana kaya ibinaba ko ito. "Bakit?" Kunot noo kong tanong.
Isinenyas niya ang likuran at pinababa ako
"What?!" Singhal ko pagkalabas ko.
He rolled his eyes "Sumunod ka na lang." Halos itulak niya ko papasok ng van.
Si Ken ang katabi ko. "Feel comfortable now?" Malawak ang ngiti niya.
Kunot noo akong umiling at hindi na lang siya pinansin. Alam ko kung anong ginawa ni Ken. Nararamdaman niyang hindi ako okay sa lagay ko kaya mas pinili niyang tumabi na lang ako sa kanya baka sakaling gumaan pakiramdam ko. She really know me well.
"Ken," Ani Maxwell.
"Shhh! I can handle this." Sagot ni Ken.
Maxwell rolled his eyes. Nagtataka akong tumingin sa dalawa pero sinuklian lang ako ni Ken ng ngiti. Hindi ko na lang sila pinansin. Ang tanging gusto ko lang ngayon ay ang magpahinga.
"So for tomorrow sa Loag na ang destination natin." Pag iiba ni Athena ng usapan.
"Ilang days tayo don?" I asked.
"One week is good. Then after sa Vigan tayo bago umuwi. For two days and another days sa Ilocos." Sagot niya.
"So mag stay tayo sa hotel?"
"Nope. May bahay kami sa Ilocos." Si Maxwell ang sumagot.
Hindi niya ba kayang tumahimik kahit ilang saglit lang? What i mean err. Hindi niya ba kayang hindi ako kausapin kahit ilang saglit lang? Kasi sa ngayon tingin ko 'yun ang kailangan ko.
Inakbayan ako ni Ken at sabay kaming pumanhik sa suite pagkarating sa hotel. Sumunod naman si Athena at naiwan ang dalawang lalaki sa ibaba, anila'y oorder na lang daw ng makakain.