Sabi nila lahat tayo ay may espesyal na kakayahan bilang tao. 'Yong iba ay nagagamit nila para kumita, 'yong iba naman ay ginagamit nila para makatulong. Depende na lang sa trip nila sa buhay. Pero sa buhay ko? Ako ata ang napagtripan sa pinamana sa'kin ng lola ko noong namayapa siya.
Mamayapa na nga lang nag-iwan pa ng pamana na hindi ko naman magagamit. Aanhin ko naman 'tong talento ko kung lagi akong ginagambala sa buhay?
Nakakikita ako ng mga multo kahit saan kahit kailan. Sabi sa akin ng mama ko, si lola raw ang dahilan dahil pilit niyang binuksan ang third eye ko. Hanggang sa lumaki na nga ako, buti na nga lang at nasasanay na ko sa mga nakakatakot nilang mukha. Pero 'yon na nga, madalas akong mabully dahil dito sa kakayahan kong makipag-usap ng kaluluwa.
"Tulongan mo 'ko."
Napahawak ako nang mahigpit sa strap ng bag ko. Binilisan ko talaga nang bonggang-bonga ang paglakad ko para hindi ako mahabol nang dugyot na multo na 'yon.
Napalingon ako sa dinaanan ko. Sinusuri kong nando'n pa ba siya. Napasapo ako sa dibdib na sobrang lakas ng tibok. Nakatakas din sawakas! Napabuga ako sabay tingin sa harapan.
"Ah!" Sabay pa kaming napatili.
"Boyset ka! Lubayan mo ko!"pagtataboy ko sa multo habang tumatakbo. Kamuntik pa 'kong maihi sa suot ko. Punteya!
Sino ba naman kase ang hindi tatakbo kapag nakakita ka nang ganoon? Mahaba tapos kulot na buhok, nakasuot nang mahaba at puti na damit, isama mo na rin 'yong mukha niyang nakakatakot. Nakatahi ang kaniyang bibig hanggang sa tainga, 'yong ilalim sa mata niya ang itim, tapos 'yong eyeballs niya kitang-kita ang mga ugat. Pero ang labis na nakakatakot ay iyong sinabi niya.
"Pautang ako ghorl," bulong niya na sa malamig na tuno.
Doon ko na talaga siya pinaghahampas ng payong kahit tumatagos lang 'yon. Mabuti na lang talaga at gabi na at walang tao sa kanto na 'to kun'di ay pashnea! Baka pagkamalan pa kong baliw.
"Tinakot mo ko, tapos mangungutang kang tangina ka? Aba! Lumayas ka at mabibigwasan kita nitong holy water ko!"gigil kong sabi sa kaniya.
"Ang damot mo 'te! Pang tiktok lang e,"irap niya pa.
Aba punyeta!Gusto atang malaglag panga ko sa sinabi niya.
"Pangtiktok? Sana all talaga ghorl!" Dinukot ko 'yong maliit na listahan sa bag ko. Nilawayan ko na mona ang daliri ko bago binuklat ang pahina.
"Pangalan?"
"Anastasia Moher,"tugon niya.
"Age?"
"20" Napatango ako.
"Address?"
"Bagong bayan."
"Saan ka namatay?"
"Dito sa kanto na 'to." Sagot niya.
"Pangalan mo sa tiktok?"
Masaya naman siyang ngumiti. Puta ang creepy! "@BheBhequeSayolangKakalampag"
Punyetang tiktok Id yan.
Mabuhay mga jeje! P'wera na lang sa patay na 'to.
Napatango ako habang sinusulat ang imopormasyon niya.
"Okay, times 2 ang tubo niyan. Kapag hindi ka nakabayad. Papadakip kita sa mga pulis," paliwanag ko bago binigay sa kaniya ang 50 pesos na pang GoSurf50 niya.
"Wow! Bombay ka Ghorl? Five-six ba 'to?"
Inikutan ko na lang siya nang mata bago naglakad. "Whatever."

BINABASA MO ANG
Cristadith (Completed!)
Mystery / Thriller[not edited] Pasensya bangag ang author 🤦