Tatlong araw ang lumipas, pero hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang ganoon ang nakaraan ko.
They killed my sister.
And now that I know the truth we'll continue what they started. Hinding hindi ako titigil hanggang hindi sila nakukulong o nabubura sa mundong ito. Well, the latter is good idea. Ang katulad nila ang hindi dapat binubuhay.
Ano pa kaya ang itinatago nila sa loob ng mga taong kasama nila ako?
Nagmaneho ako gamit ang sasakyan na pinagamit ni Ian papunta sa bahay nila Phoenix. Kailangan kong siguraduhing nasa maayos na lagay ang anak ko.
Agad kong nakita ang anak kong naglalaro sa playground malapit sa bahay nila, nandoon din si Phoenix nakaupo sa bermuda, nakakunot ang noo at abala sa kakapindot ng cellphone niya.
I remove my helmet, agad na inilugay ng hangin ang buhok ko. By the way I color my hair into black mahirap na baka may magpa picture na naman sa akin dahil sa pag-aakalang ako si Lexi Lore. Ginupitan ko rin ito tulad ng dati na hanggang leeg lang. Para na talaga akong si Christadith noon.
"Mommy?" Pansin agad ni Avril.
Agad namang tumingin si Phoenix sa gawi ko, ang kunot niyang noo kanina at napalitan ng gulat. Kinawayan ko ang anak ko at tinaasan naman ng kilay si Phoenix.
Sino naman kayang tinitext niya sa cellphone niya? Nambabae na naman ba 'to?
Agad kong binuhat si Avril at ginawaran ng pananabik na yakap.
Kaya pala ang gaan ng loob ko sa batang 'to, siya pala ang anak kong matagal ko nang prinuprotektahan.
"Kumusta?" I smile at her.
"I'm fine Mom." Niyakap niya ulit ako.
"I miss you mom," she whisper.
Napatingala ako sa langit para pigilan ang luha ko. Hindi ko maipaliwanag ang kasayahan ko ngayon. Kahit na hindi bumalik ang alaala ko, ramdam ko pa rin ang lukso ng dugo naming mag-ina.
Lumapit sa amin si Phoenix na tila hindi pa rin makapaniwala nagpakita ako after days.
"Hi."
"Hi."
"You...you cutted your hair." Turo niya agad sa buhok ko.
"Well, yes...obviously." I smile awkwardly.
Taena. Paano naging awkward naman sa akin 'to?
"You look like...you." Pangisi siya bago niya kinuha si Avril.
They offer me to have a dinner in there place, hindi na rin ako humindi dahil may mahalagang sasabihin din ako sa tatay ng anak ko.
The dinner went well, as usual madaldal pa rin ang anak ko mas dumami pa ata ang kinuwento niya kumpara noong nakaraan. Saan ba 'to nagmana?
"Mommy, dito po ba kayo matutulog?" My daughter asked, napaliguan ko na siya at nabihisan.
"Hindi Vril, Tita Adith will go—"
"It's mommy, dad! Mommy!" Gusto ko atang matawa sa batang ito. Saan ba nagmana 'tong bata na ito at kanina niya pa sinusungitan ang tatay niya?
Tinaas naman ni Phoenix ang kamay niya na para bang sumusuko. "Okay. Okay. MOMMY."
Napatingin siya sa akin na may ngiti sa labi, napangiti na rin ako. I don't know but the way he said that it makes me feel uneasy.
"Your mommy will stay." Paos niyang sabi habang nakatingin pa rin sa akin.

BINABASA MO ANG
Cristadith (Completed!)
Mystery / Thriller[not edited] Pasensya bangag ang author 🤦