Chapter 5

67 6 0
                                        

"Ano palang ginagawa mo rito?"

"Can't sleep," he sigh again.

Punyeta kanina pa siya bumubuntong-hininga ha! I can count it on my finger.

Napatango na lang ako. And the silent stretch. Ba't ba? Nauubusan ako ng topic!

"What's your name again?" He said half whispered, half breath.

Hirap na hirap ka talagang tanungin 'yan,huh? Napipilitan lang ghorl? Pero sige ayos na yan kesa naman mapanes laway natin dito 'no.

"Loveme,"I lied.

Aba kung lalandi ka kailangang lagyan mo rin ng kaunting banat.

"Loveme?"ulit niya.

"Yes,I will love you." I laugh.

Sinamaan niya naman ako ng tingin bago umiling.

We have our little getting to know each other conversation. Madalas napapabanat ako kahit corny. But at least I made him laugh.

"Okay Mr-whatever-I-want-to-call can I at least call you're mine?"

Napailing ulit siya sa banat ko. Natawa na lang din ako dahil feeling ko madaldal din 'tong lalakeng 'to pinipigilan niya lang.

"Umaga na," imporma niya.

Napatingin ako sa kawalan. Malinawag na nga pero umuulan pa rin. Nakalabas lamang kami nang buksan ng landlady ang pinto. Nagulat pa siyang makita ako.

Oo, 'te na lock kami. Gusto mo ihagis kita sa building?

Napalingon ako sa likod ko nang maramdaman ang presensya niya. Napatingin din siya sa akin.

'te! 'yong undies ko malalaglag, pake tali nga.

"Call me Ian," aniya bago niya sinarado ang pinto niya.

I purse my lips. Napakagat din ako sa ibaba ng labi ko bago tumulak sa loob.

Pinaypay ko ang sarili ko gamit ang kamay ko bago nagpapadyak na akala mo talaga teenager!

Sauceq! Ian pala ha!

Ang hard talaga niyang kunin. Pero okay na 'yon. At least alam ko na pangalan niya. Pa hard to get ka pang kupal ka ha! Anyway,mararanasan ko rin 'yong hard na nasa loob ng pants niya. Tiwala at dasal lang talaga!

Napatigil ako sa pagpapantasya nang makita ang buong apartment ko.

"Anak ng tupa! Anong bagyo ang nanalasa rito?" Naidilat ko ang mata ko at sinuri ang binagyo kong sala.

Malutong na mura ang pinakawalan ko bago tumakbo sa kwarto. Ganoon din ang nadatnan ko. Agad kong kinuha ang bag na nasa gilid ng kama.

I check my wallet and important documents.

Nakahinga ako nang maluwag nang makitang nandoon naman lahat. Pati ang pera ko na nagkakahalaga ng 300k.

Imposibling magnanakaw ang nag-araro dito. Naaawa ako sa mga gamit ko gusto ko maiyak lalo nang makita ang mga baboy ko, pati mga 'yon na naka display lang sa ibabaw ng cabinet hindi niya pinalampas. Binasag niya lahat. Wala siyang naitira.

I clenched my fist. Kung ano man ang pakay niya, hindi 'yon pera. Pinulot ko ang picture frame ko na nabasag. Madilim kong tiningnan ang picture ko doon na nilagyan niya ng ekis gamit ang kung ano mang matalim na bagay.

"Sino naman kayang punyeta ang may hinanakit sa akin?"





Ilang beses na akong napalunok. Nagdadalawang isip kung uuwi pa ba ko sa apartment ko. Kakatapos lang ng shift namin at on the way na ko sa apartment. Ngayon lang nangyari ang ganito sa tanang buhay ko kaya mas lalong nanginig ang kamay ko. I already reported it to the police.

Cristadith (Completed!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon