Chapter 11

38 5 2
                                        

"Baby?" Pukaw ni Ian sa akin.

"Ano nga ulit 'yon?" I blinked.

Noks! May pa-baby na ang mylabidabs ko.

"I'm going to supermarket. Stay here Okay? Magpagaling ka na mona, I'll be home before dinner," aniya bago ako hinalikan sa noo.

Tumango lang ako bago binalik ang tingin sa pinggan kong puno pa ng pagkain at hindi pa nagagalaw.

Hindi na rin masama ang pakiramdam ko. Iniisip ko lang kasi kung paano ako mapapalapit kay Phoenix bukas, para mabigyan ng katarungan si Anastasia. Napag-usapan na rin namin ni Ian na babalik kami bukas sa city dahil pareho kaming may nag-aantay na trabaho.

I shrugged after I hear his car disappeared.

Napatingin ako kay cheetah at Oggy na napaharap sa akin, wiggling there tail while drooling.

"Nakakain na kayo kanina. Aba! Parte ko 'to!" I was like a crazy while talking to the dog and cheetah, hinarangan ko pa ang pinggan ko gamit ang kamay ko.

I just received an ARF from Oggy. Aba!

Hindi talaga sila tumigil sa pagpapaawa, makahingi lang sa parte ko. At the end, they win. Hindi ko natiis ang pagpapaawa nila.

I stroke Oggy and cheetah's head after I gave my food to them. Hinugasan ko na rin ang pinagkainan ko at nagligpit ng mesa.

"Masarap?"

Nakakabaliw din pala kapag mga hayop kasama mo. Kaya ka nga baliw na baliw sa ex mo noon di ba? Hoy! Oo ikaw, kinakausap kita. Sagot!

I shrugged, napahinto ako sa ref nang makita ang mga naka pin doon. Mga kuhang litrato and notes.

Umakyat na ko sa taas para maligo at magamot ang nadaplisan ko na braso. Abala ako sa pagpapatuyo ko sa buhok nang mahagilap ko ang susi na nasa pocket ko kahapon.

Napaupo ako sa kama at tinitigan ito.

"030. Siguro mahalaga ka, ano? Ano ba meroon sa'yo? " Napabuntong-hininga ako.

Pinakailaman ko na lang iyong laptop ni Ian. Actually, dalawang laptop ang nandoon sa cabinet. Pero dahil may password nga iyong isa, itong silver na lang ginamit ko tutal ito din 'yong ginamit ko kanina.

Naghalungkat pa ko sa gamit niya sa cabinet. To my surprise, I found an organized papers, pens, and books. May nakita rin akong mga sticky note.

"This is so cute," komento ko habang natutuwang tinitigan ang sticky note na may design na strawberry.

Dahil nga bored ako,naghalungkat pa ako. Malay mo may makita ako rito, at malaman ko kung sino ba talaga 'tong si Ian Ruthler na ito.

Nandoon din iyong envelope na binigay niya sa akin, na may lamang mirrage contract at mga katibayan na kasal kaming dalawa. Nandoon pa rin iyong singsing at hindi ko pa rin sinusuot. Bahala siya diyan!

Na halungkat ko na lahat wala pa rin akong makikita na kakaiba sa bahay na ito. Gusto na lang ata matulog. Amp

Halos magkasalubong ang kilay ko nang mapansin ang susi na nandoon. Napansin ko rin iyong cabinet niya na may parang pintuan.

Sinubukan kong alisin ang kahina-hinalang dingding. To my surprise, may nakatago nga doon. Lots of gun! May picture pa ako doon kasama ang mga kaibigan ko.

Bigla akong kinutuban at dali-daling nilagay pabalik ang dingding, pati mga gamit niya,maingat kong binalik sa dati nitong ayos.

"W-what was that? Bakit may litrato kami doon?" Napasambunot ako sa buhok ko.

Cristadith (Completed!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon