Chapter 20

27 2 0
                                        

"Really? Wala na ba kayo marentahan nang pangingidnap niyo at dito pa talaga?" Napangisi ako. Bigla lumapit sa akin iyong isang lalake para kapkapana ako. Nang wala silang mahanap sa katawan ko ay tsaka siya suminyas sa boss nilang si Megan at Florante.

Kung hindi ba naman sila isang kilong tanga, ako ang nagdesign sa room ni Ian kaya alam ko kung saan nakatago lahat nang weapon.

"Patawa ka talaga friend," biglang tumayo si Florante sa kinauupuan niya habang may hawak na baril. Hindi ma siya bakla sa puntong ito at mas nakikita ko sa kaniya ang pagiging brusko niya na minsan ko nang pinagpantasyahan.

Pasensya na, god bless.

Napaikot mata ako nang ngumisi ito. " Looks like you are really back my dear sister."

"Sister my ass." I rolled my eyes.

He chuckled and Megan snapped her finger,dahilan para magsilabasan ang mga lalakeng bato-bato ang buong katawa.

"The key?" Inilahad pa ni Florante ang palad niya.

"Where's my daughter and Laura?"

He look so bored. Humanda ka lang after I guarantee their safety, i-gu-guarantee ko naman ang kulungon niyong mga impakta kayo. Simula noon hanggang ngayon hindi pa rin nagbabago ang role nila sa buhay. Mga punyetang kuntrabida pa rin.

Inilabas ng dalawang lalaki na naka itim sila Laura at ang anak ko na tila aware sa nangyayari.

Ihinagis ko ang USB na tinatawag nilang key. Agad din naman inikaso ni Florante,but before they click mabilis ko na kinuha sila Laura at ang anak ko and the lights off.

Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para ipasok ang anak ko at si Laura sa secret place sa kwartong ito, kaya naman noong bumalik na ang ilaw ay mabilis ko na binunot ang baril ko, pero naunahan ako.

Lahat sila ay natumba na. Napatingin ako sa labas. Kung hindi ako nagkakamali ay si Phoenix 'yong nakikita ko na may dala na sniper na nakapwesto sa kabilang building. Nagfinger heart pa ang gago. Inirapan ko lang siya tsaka hinabol ang dalawang baliw ko na step-siblings.

"Ian, they're safe. All the enemies are died. Go pick them. Make my daughter proud to his fathergod."

Natawa lamang siya bago ako pinatayan ng tawag. Excited to masyado makita ang babe niya na si Laura.

Sana all.

Mabilis kong hinabol ang mga baliw ko na step-siblings. Naabutan ko sila lumang bahay ng parents ko. Oo ganoon kalayo ang naging habulan namin.

Hindi pa lang ako nakakaalis sa sasakyan ko nang bigla na lang sila nagpaulan ng bala. Mabuti na lang at bulletproof itong kotse na ginamit ko.

My other phone ring.

I immediately answer baka si Ian iyon at nang makahingi man lang ako ng back up, but I was wrong. It's Phoenix.

"I'm coming." Iyon lang ang sinabi niya.

Inabot ko iyong baril ko. Naghintay na muna ako nang pagkakataon para tumigil sa pagpapaulan ang mga pesteng ito.

I ready my self. This is it pansit!

Mabilis akong tumakbo, I heard a sound of chopper, napakalapit lang sa akin.

Phoenix. Amputa.

Ang angas pa ng dating niya habang pababa sa nakahangging na ladder. Napatigil ako sandali para tingnan siya.

Kay gwapo naman talaga nito, idagdag mo pa ang dating niya at may hawak na baril.

Akalain mo 'yon, pinatulan ko ,'to?

Napangiwi ako nang may tumama sa gilid ko.

Tila nakuha ko ata ang atensyon niya at napatingin siya sa akin. I rolled my eyes and run, hindi ko na alintala ang bala na dumaplis sa gilid ko.

Ampucha, kung sino man dumaplis sa gilid ko gagantipaalan ko talaga ng isang sakong bala.

Dumaan ako sa nakatagong lagusan papunta sa silid ko. Ako lamang at si Mommy ang nakakaalam sa tungkol dito.

I hold my tears and let the memories brush my head.

Napatingin ako sa silid ko noon. Natatabunan na ang lahat kong kagamitan ng alikabok. Pinaradahan ko ng tingin ang mga pictures ko noong bata pa ako.

Sana naging bata na lang ako habang buhay.

Nakakapagod malaman ang totoong mundo. Napakaraming mapanlinlang,  at mapansamantala. Maraming hayok sa pera.

Sana talaga naging bata na lang ako habang buhay...

Walang paghihiganti, walang responsibilidad na dapat gampanan, sarili mo lang ang iisipin mo mga laruan at mga susuotin na damit ang laging binibigyan ng pansin.

No guns, no bullets.

Napatigil ako nang makita ang litrato ng mommy ko.

Simple lang naman ang naging buhay namin noon, but my dad never been contented with my mom at naghanap pa siya ng malalagyan niya ng sperm niya. And boom! Look us now.

Itinaob ko ang litrato namin ni daddy.
I don't have any choice but to finish what they were started. I have to put justice in my hand.

Naglakad ulit ako nang may narinig akong pag-uusap. I don't know if I am just hallucinating but I heard Megan, Florante talking about baby. Itinapat ko ang tainga ko sa pader.

"Tumakas ka na dito Megan. You're pregnant alalahanin mo!" Ramdam ko ang hingal ni Florante.

"Why don't we tell Adith na lang na this is just part of Phoenix's plan!? Madadamay pa ang anak namin."

Napatigil ako. Phoenix's plan? Anak nila?

"Shut up Megan! We both agreed about this for the sake of Adith!"

For me?

Ano ba pinagsasabi ng mga 'to?

"Lumakad ka na! You—" naputol ang sasabihin ni Florante nang buksan ko ang pinto. Bakas sa mukha ni Megan ang gulat at pagkapanik naman ni Florante dahilan para tutukan niya ako ng baril.

"Anong both of you agreed for my sake?" Para akong baliw na umiiyak sa harapan nila. Tiningnan ko si Megan. Guilt is written on her face.

"Stay away Adith!" Takot na sabi ni Florante nang humakbang ako.

Nasaan na ang pagkaangas nila? They were the bitch right? Bakit parang naging baliktad ata? Ang pamilya ko ang biktima dito! Kung hindi dahil sa kanila ay buhay pa sana si Anastasia.

Itinaas ko ang baril ko nang bigla na lang sumigaw si Phoenix.

Isang butil ng luha ang kumawala sa aking mata bago pinutok ang baril.

Phoenix was shocked and landed his eyes on Florante, na siyang tinamaan ko.

Napasigaw si Megan. Agad na nilapitan ni Phoenix si Florante, na nag-aagaw buhay.

Napaatras ako nang makita ang iksina na ito. This scene look familiar. Napahawak ako sa ulo ko, dahan-dahan akong napaupo habang balisa na nakatingin sa duguang bangkay.

"Phoenix! Dalhin natin ang kapatid ko sa hospital! Please!" Dinig kong pagmamakaawa ni Megan.

Nakita ko na lang na binuhat nila si Florante. Natamaan ko siya sa dibdib. I shot him!

Nagtaas ako ng tingin nang makita ko si Anastasia. Nakangisi siya sa akin.

"You psychopath bitch!" Sigaw ni Megan at akmang susugurin niya ako nang awatin siya ni Phoenix.

Napatawa ako ng malakas, habang patuloy pa rin ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.

"Hindi ka na sana nilabas sa mental hospital! Put* ka! " Sigaw ni Megan.

Humarap sa akin si Phoenix.

Now what?

Tumahan na ko sa pagtawa tsaka siya tiningnan. Nahilamos niya ang palad niya sa frustration.

"Taksil ka—" hindi natuloy ang sasabihin ko nang may itinusok siyang syringe.

Mabilis na nanlambot ang mga tuhod ko't bumigat ang talukap ko.



Cristadith (Completed!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon