Chapter 3

73 5 0
                                    

Hapon na nang magising ako. Nasanay na ko na ganito ang schedule ang gising ko.

Nag-unat-unat mona ako nang may narinig akong nagtatakbuhan sa labas ng apartment ko.

Dahil nga chismusa tayo lumabas ako nang kwarto ko't nakitang payapa naman ang sala, tinali ko na mona ang buhok ko bago ako lumabas sa kwarto. Agad na nakita ko ang nakasiradong pinto sa room 030.

Hindi ko pa rin alam ang pangalan niya.

Napabuntong-hininga.

I shrugged. Inilipat ko na lang ang tingin ko sa mga taong nagmamadali, na sana pala ay hindi ko na ginawa dahil mga multong nagpaparty ang nakikita ko na dinadaanan ng mga PNP.

Ang creepy talaga, may ibang na-aagnas na, mga duguan,may pugot ang ulo,halo-halo na. Punyeta dito pa talaga sila nagdiriwang.

"Ah sir excuse me!" Hinatak ko ang isa sa mga taong nagmamadaling makababa ng palapag.

"Ano pa ba ang nangyari?" Agad kong tanong.

"May pinatay sa may dulo ng building,"aniya bago nagmamadaling umalis.

Pinatay?

Tiningnan ko ulit 'yong lalake. Nakakapagtataka dahil may talsik na red sa likod ng manggas niya.

Naikunot ko ang noo ko at tinandaan ang buong mukha niya. Nasa 6'1 ang tangkad, medyo instik ang mata, naka black cap, faded blue polo at may piklat sa kilay.

Ngumiti siya sa akin ng lumingon ito na sinagot ko rin ng isang tango.

"20 years old ang namatay." Halos mapatalon ako sa gulat sa lamig ng boses niya.

Napalingon ako sa multong natingin sa dinaanan ng lalakeng napagtanungan ko.

Tiningnan ko siya. Naka-uniporme pa siya at may malaking hiwa sa leeg niya. Ngayon ko lang siya nakita rito.

"Siya rin ang pumatay sa akin." Napatingin sa akin. Napaka putla ng mukha niya, itim din ang nasa ilalim ng mata niya.

"'di ba ikaw si Aditha Bulinaw?"

Umiwas ako nang tingin,tinoon ko na lang 'yon sa mga pulis na nag iimbestiga sa mga kapit-bahay ko.

"Tulongan mo kami," bulong nang dalawang malalamig na boses sa magkabilang tainga ko.

Kamuntik na kong atakihen sa ginawa nila. Napalunok ako nang dumaan ang bangkay na pinag tutulungan nilang bubuhatin.

Napatingin ako sa kaliwa ko nang lumayo sila. I inhale large amount of air.

"Iyong lalake na 'yon ang pumatay sa akin!" Galit na bulong niya.

Lumapit ang isag pulis sa akin, nginitian niya pa ako. Sorry ka boy, gwapo ka pero mas yummy yong nasa kabilang room.

Matapos niya kong tanungin at pati number ko ay kinuha niya pa, na halata namang hindi kasali sa investigation nila ay bumaba akong parking lot.

I stalk the guy. The guy who have a scar on his brow.

Sakto at nasa parking lot pa siya at may kausap sa telepono. Nagtago ako sa malapit na kotse.

"May kasabwat pala siya," biglang sabi nong bagong dating na multo.

Punyeta! Kamuntik pa kong mapatili buti na lang napigilan ko.

Masama ko siyang tinitigan na bigla namang naglaho. Napatingin ako sa direksyon ng lalake. May kausap pa rin siya.

Nagpanik lamang ako noong naglakas siya papalapit sa direksyon ko. Hindi ko pa rin makita ang mukha niya at halatang nagmamadali dahil sa tunog ng sapatos niya.

Punyeta! Binulungan ba sya nong multo?

Maingat ang paglakad ko paatras habang nakayuko. Nang bigla na lang may naapakan akong empty can na gumawa nang ingay.

Punyetang!

Kinakabahan na ko. Narinig ko ang pagkasa niya sa baril kaya mas binilisan ko pa ang pag-atras ko.

Natatakot na ko! Punyeta hindi pa ko ready mamatay! Gusto ko pa makita ang kakambal kong si Lexi Lore at maki duet siya sa sayaw na Marikit!

I swallow hard, my breath becomes heavy every single minute.
Hanggang sa may humatak sa akin. Titili na sana ako nang bigla niyang takpan ang bibig ko.

Bigla naman siyang napaharap sa akin. Pinikit ko na lang ang mga mata ko nang halikan niya ko bigla.

I think he cover his body para hindi ako makita nong lalakeng may hawak na baril.

"Hays, bakit dito pa kayo naglalampungan? Mga kabataan talaga ngayon," dinig kong bulong niya bago siya umalis.

Doon ko lamang idinilat ang mata ko at napansing hinahalikan pa rin ako ng kung sinoman.

Punyeta! Magwawala na sana ako but I suddenly bit my lips nang makita kung sino 'yon.

Inilayo niya ang mukha niya at napatingin sa dinaanan ng kotse.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa humalik sa akin. Nabato ata ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa kaniya.

Ibinalik niya ang tingin niya sa akin. Agad na kumunot ang noo niya.

Punyeta! Ang lamig ng labi niya pero masarap!

"What the hell are you here?" Tinaasan niya ko nang kilay. Ang lapit pa rin ng mukha niya. Sauceko!

I swallowed. Bakit galit agad malobes?

"What the hell are you doing here too?" I copied him.

"What the fuck? Tinatanong kita tapos sasagutin mo ko nang tanong din?"

Aw, ang cute niya namang magalit!

Para tuloy akong pinagagalitan ng nobyo. I laughed at my back.

Nobyo talaga, huh?

I heard him tsk before walking away. Iniwan niya kong nagwa-walling habang nakahawak sa labi ko.

Damn, he kissed me!

Out of nowhere bigla na lang sumulpot ang isang multo. Siya 'yong namatay kanina.

"You can see him?"

Napatingin ako sa kaniya.

"That guy is a lost spirit."

Halos maging statwa ako sa kinatatayuan ko. Bigla nalang nawala sa harapan ko ang babae.

I can't still digest what she said.

'Yong yummy na lalake na 'yon multo? Then why I can fell his lips? Bakit nahahawakan ko siya. Bakit nakita siya nong mama kanina?

Isa lang ang makakasagot nito. Iyong Grimm Reaper KUNO!

Cristadith (Completed!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon