Chapter 8

45 6 0
                                        

Tatlong araw na akong hindi pumapasok sa trabaho ko. Tatlong araw ko na ring hindi nakikita si Ian. Taena nagka-lovesick ata ako bigla. I often check his apartment pero siya doon.

Napatingin ako sa cellphone ko ng makita ang sunod-sunod na text ng mga kaibigan ko.

Panay pangungumusta nila sa akin lalo na iyong tatlo. Sila ba naman mawalan ng magandang nilalang hindi kaya sila kabahan?

Pati si Phoenix, napapa message na rin sa IG.

"I told you to rest but I didn't say rest for about 3 consecutive days!"

Basa ko sa mensahe niya. Ni reply-an ko na lang siya na may sakit ako. Kunukulo pa rin dugo ko sa taong ito. Ewan ko ba.

I sent my medical certificate too para maniwala sila. E, totoo naman talaga e, may sakit ako. Hello may lagnat ako. Sabi pa ng doctor kailangan ko ng mahabang pahinga.

Napatingala ako sa kisame. I blink twice bago ko tiningnan ang silver ko na lighter at ang nakaukit doon.

Its been years nang tumigil ako sa paghahanap ng nawawala kong alaala. Yes, I remember who I am, what I am, my parents and everything but I still longing for something, na para bang kulang ang pagkatao ko. That I missed someone...I don't know. Ngayon lang ulit Ako nakaramdam ng pag-asa. I don't know what's with the words " Wait for me" pero malakas ang loob kong ito 'yong hint.

May nailista na rin ako kung saan ako magsisimula. Sisimulan ko kung saan ako unang nagising. I did research too, searching the old hospital. Hoping my doctor is still alive.

Sunod kong ginawa ay tinawagan ko ang telephone number sa bahay namin, but no one is answering. Wala na rin akong balita sa parents ko since the day I escaped.

Napaupo na lang ako sa kama ko. Napatitig ako doon sa buhol ng pera. Isa pa 'to sa nagpahiwaga sa akin, inabot lang sa akin 'yon ng hindi ko kilalang babae nong mag-isa ako sa kwarto ng hospital. Kung tama ang pagkakaalala ko ay sinabi niyang doon ko mahahanap ang sagot.

Agad kong tinanggal ang tali. Ilang taon na 'to sa akin pero kahit kailan hindi ko 'to ginalaw. Halos kumawala sa kamay ko ang pera nang matanggal ko ma ang tali,napansin ko agad ang isang susi. Kulay silver iyon at may nakaukit na 030

Kumunot ang noo ko ng makitang may naiibang kulay doon. Lahat ay tag-one thousand maliban sa isang dolyar. Tiningnan ko ng maigi iyon hanggang napansin ko ang sulat doon.

It's a code!

Tiningnan ko ng maiigi. Medyo nakakahilo siya ha! Feeling ko magkakalagnat ulit ako!

01010011 01110101 01101110 01110011 01100101 01110100

'Yan 'yong nakasulat.

Binaliktad ko 'yong one dollar. Mas lalo tuloy akong nahilo ng makita ang nagsasayawang one at zero.

01101100 01101001 01100011 01101011 01101101 01111001 01100011 01101100 01101001 01101110 01110100 01000000  01100101 01101101 01100001 01101001 01101100 00101110 01100011 01100011 01101111 01101101

"Taenang binary code 'to!" Napakamot ulo ko. Kinuha ko ang laptop ko tsaka nag-umpisang i solve ito.

Wtf?

Nakangiwing tinipa ko ang email. Yes email iyon. Sino naman kayang walang hiya ang may ganitong email? Napakadugyot!

Welcome Adith Bulinaw.

Napamura ako ng malutong sa pagwelcome ng laptop sa akin. Tangena akin pala 'tong email?

Bakit may pa welcome pa?

Dumeritso agad ako sa inbox. Hindi ko alam kung anong masamang hanging ang nagtulak sa mga kamay ko para i-click iyong may spg.

Dinig ko ang malakas na tibok ng puso ko. Umurong ata iyong lagnat ko at pinagpapawisan ako ng malapot. Napapikit pa ako bago ko tuloyang itulak ang daliri ko para i-play iyon.

Cristadith (Completed!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon