The Job Offer

532 40 8
                                    

Napasalampak ako ng upo sa office chair na nasa likod ng isang malaking mesa. Sunod sunod din na mga buntong hininga ang pinakawalan ko sabay hilot sa kumikirot kung sintido. Hindi ko alam kung alin ang may epekto nito, hangover pa ba o ang pressure at stress na nararamdaman ko mula ng magkausap kami kanina ni Chynna.

Tama sya, life really sucks! At ang trabahong meron ako ay hindi naman agad nakakapag-produce ng pera. So to say, in one week.

Mas nagpadagdag pa ng sakit sa ulo ko ang mga nakikita kong nakatambak na files at mga nakakalat na bills sa ibabaw ng mesa sa harap ko. Electricity bills, water bills, phone bills. BILLSHIT!

*door knocks*

Napaangat ako ng tingin pero imbis na sa pinto dumeretcho ang mga mata ko, mas pinili nitong sumipat sa may wall clock.

Napakunot noo ako. Random business at 10 am wasn't usual for me. For a split second, nag alala ako na baka kung sino nanaman sa tauhan ni Madam Gloria ang lumitaw sa may pintuan ng opisina ko for another reminder notices.

"Hello??" Tawag mula sa labas kasunod ng ilang malalakas pa din na katok. Boses ito ng babae.

Ilang beses pa itong tumawag bago ko minabuting tumayo at base sa assessment ko sa tono nya, she's so tense, so worried, impatient and annoyed at the same time.

"A potential client." Bulong ko sa sarili ko at binilisan ang lapit sa pinto para pag buksan ito.

"I'm looking for the one they called Sherlock." Aniya.

Walang alinlangan itong pumasok sa loob ng opisina ko at diretchong umupo sa upuang kaharap ng mesa ko without any invitation.

Agad kong sinara ang pinto at lumapit sa magulo kong mesa. Mabilis kong hinapit lahat ng papel sa ibabaw nito at ini-file sa isang gilid.

I ran my fingers through my hair and straighten my glasses and blouse, grabbing the opportunity to fix myself habang nakatalikod sya sa gawi ko. Nagpasalamat ako sa Dyos at naisipan kong magsuot ng mas pormal ngayon kesa sa nakasanayan kong jeans at tsirt lang.

The woman looks so elegant. Even just the way her hair draped in her shoulder, the way she sit and hold her purse in the top of her lap.

"I said, I'm looking for Sher~." Natigil ang pagsasalita nya pero madiin ang kanyang pagkasabi sa mga una nyang kataga at ramdam ko ang inis at frustration sa boses nya.

Napatingin ito ng matiim sa akin nang maupo ako sa harapan nya. We are now sitting across each other. Nagtaas ito ng kilay. And I swear to God, kung hindi ko lang kailangan ng kleyente, papatulan ko talaga itong babaeng to dahil sa tingin pa lang, masasabi ko nang minamaliit nya ako.

Attitude ka gHOrL?

In my mind, I counted one to ten, repeating "relax Glaiza, kailangan mo ng pera. So, don't be an asshole." And plasted my best business smile in my face.

"You found her. How can I help you?"

She looks at me for so long that I started to feel uncomfortable.

"Sorry. I didn't expect you to be a wo~"

"I get that I lot." I cut her off.

"So how can I help you Miss?" Tanong ko ulit sa babae

"King. Bianca King." Pagpapakilala nya.

King? I wonder if she's related to Wilson King. One of the successful foreign businessman sa bansa. At ang KingTech na isa sa pinakamalaking Multimedia and Technology Company sa Pilipinas.

Call Me SHERLOCK Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon