Listen to Uncle

397 39 9
                                    

I leaned closer to the mirror to have a good look of the cuts in my face. There's one above my eyebrows and I don't know how I get it. One in my lips where I accidentally bit. And the scratch of David's ring in my right.

Napapamura ako sa tuwing lumalapat ang cotton na may betadine sa mga sugat ko dahil masakit na ito at maga. I can't even apply a little pressure.

Damn that picture of a beautiful but hauntingly sad woman!!!

Pero hindi lang yun ang dahilan kung bakit tinanggap ko itong trabaho. (I mean, aside from the fact that I need the money and this offers a good pay, you know.)

Kung may natitira pang katinuan dito sa utak ko, bibitawan ko ang kasong ito, agad agad at walang pag aalinlangan. But for some reason, I wasn't even thinking about that. At hindi ko alam kung anong ibig sabihin nun.

I love solving mysteries. I love working hard with my brain and figuring shits out. But what I hate the most is when I had to try and figure out my own motivations.

Sa loob ng ilang taon kong pagtatrabaho sa ibat-ibang kaso, sinisigurado kong hindi ako dadaan sa landas ng mga taong gaya ni David Rainey at kanyang boss. Pero wala pang 24 oras sa kaso ni Rhian, pakiramdam ko ay nasa hukay na ang kabilang paa ko.

Finding a person was supposed to be easy peasy for me. Rhian's case was supposed to be nothing. Just roam around a little and make a cursory effort then charge Bianca King for a week's worth of work.

Napansin kong unti unti nang nawawala ang kirot ng mga sugat ko. Siguro ay umepekto na ang pain reliever na ininom ko kanina pagkagising ko. Sa tingin ko palang sa sarili ko mula sa salamin, mahaba habang araw din ang hihintayin kong lumipas para mawala ang mga pasa at humilom ang mga sugat ko sa mukha. Napabuntong hininga na lang ako.

Halos mapatalon ako mula sa pagkakaupo ng bigla kong nakarinig ng mga katok mula sa pinto. Sinipat ko ang wall clock sa dingding at ang oras ay alas syete ng umaga.

Kumatok ulit ang tao sa labas. Sa pagkakataong ito, malalakas na ang naging tunog nito ay parang magigiba ang pinto ng opisina ko.

"Buksan mo ang pinto De Castro! Alam kong nandyan ka na. Pulis to!" Sigaw mula sa labas.

Kilala ko ang boses ng tao sa labas kaya agad akong napasimangot.

Dahan dahan akong tumayo at saglit na inayos ang sarili ko sa harap ng salamin. I know it doesn't do much good but at least, I try to improve my appearance.

The man outside known me since I was 13 and keeping me on check since I was a junior detective.

Pero kahit na, sinubukan ko pa ding mag mukhang professional just in case may kasama itong ibang tao. Buti na lang at may maliit akong banyo dito sa opisina at iilang extra clothes kaya nakapaglinis ako ng katawan.

Pag bukas ko ng pinto, isang matikas na lalaki ang nakatayo sa harap ko. May kaedaran na pero matikas pa rin. Marami rami na ang puti nitong buhok pero wala pa ding pagbabago sa aura nya simula ng araw na nakilala ko sya.

It's none other than Detective Inspector Ricky Davao. At sa likod nya ay isang batang lalaki na sa tantya ko ay nasa 25 anyos lang. He has a smooth baby face and carefully, gelled hair. His roundish eyes reminds me of my golden retriever puppy back when I was young.

"Sir, Good Morning!! To what do I owe you this very early visit?" Bungad ko at buong lakas kong iningatan na di pumiyok ang boses ko dahil namamalat ako kanina paggising ko.

Dire-diretcho ito ng pasok, dinaanan lang ako at hindi man lang nag respond sa bati ko kaya kumibit-balikat nalang ako.

"Kailangan natin mag-usap, Detective De Castro." Ma-otoridad nitong sabi.

Call Me SHERLOCK Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon