Drop-dead Gorgeous

443 39 3
                                    

"Realonda Tower, this is Private Pilot Glaiza De Castro, cessna 182 flight bound from Orataleza Avaition Manila, requesting for a landing clearance." pagsasalita ko sa microphone ng suot kong headphone at dahan dahang hinila ang throttle para bumaba ang airspeed ng eroplano.

"Realonda Tower, preparing for landing. Welcome to Isla Realonda, Maam." Sagot ng boses ng lalaki sa radyo.

Napangiti ako habang tinatanaw ko ang kumukutitap na mga ilaw sa di kalayuan. It's so breathtaking up here. Maliit lang ang isla pero para itong piraso ng dyamanteng kumikinang sa baba.

Sabi sa akin ni Chynna, sya na ang bahalang kumuha ng motel na tutuluyan ko. Iche-check ko nalang mamaya kung naisend na ba nya sa akin ang confirmation ng booking.

As soon as I safely landed the plan, nagradyo ulit ang ATC Tower ng isla at binigyan ako ng instruction na igarahe ang eroplano sa isang bakanteng hagar.

FYI, the only way to get in and out of this island is through a plane or a boat. And they only allow the flights from their registered aviation partner for their tourism.

Luckily, I have Chynna and the Orrtaleza Avaition to back me up and give me a smooth ride.

Matapos kong magbayad ng rent ng hangar ay agad na akong naghanap ng masasakyan. Natanggap ko na din ang text ni Chynna tungkol sa tutuluyan ko kaya wala na akong problema. Isang tricycle ang huminto sa harap ko at inalok akong sumakay.

Pinaunlakan ko agad ito saka ibinigay ang address nang motel. Maliit lang ang bayan na yun at sigurado akong hindi mahirap hanapin location sakali mang baguhan ka lang dito.

It's almost 2am at nag-uumpisa ko nang maramdaman ang antok lalo pa at malamig ang hampas ng hangin sa mukha ko habang sakay ako ng tricycle.

* * *

Hindi ko namalayan ang oras. Mag aalas onse na pala ng tanghali.

Matapos akong ihatid ng tricycle sa Avalon Inn, smooth naman ang naging transaction ko sa reception area. Sabi nila ay bayad na ang isang linggo reservation sa pangalan ko at nakahanda na din ang kwarto ko.

After then, as soon as nakapasok ako sa room ko, nag half bath lang ako at tuluyan nang nakatulog.

"I'm not here for relaxation so I better get up and start looking for Rhian." Sabi ko sa sarili ko at minabuting bumangon.

I prepared myself, go down to the ground floor where I can have my brunch and plan on where am I going to go first and start my search.

Isla Realonda covers an area of estimated to be more or less 5,000 square kilometers, which means, it's smaller than Boracay Island.

Habang kumakain ako, nakausap ko ang isa sa staff ng Avalon Inn at nasabi nya na hindi kalayuan ang palengke sa kinaroroonan ng motel at sa bandang likod nito ay open beach. But as I've said, I'm not here for a weekend getaway so going to the beach isn't my main concern.

Pagkatapos kong kumain ay minabuti kong magpunta sa bandang palengke. Walking distance lang ito mula sa Avalon Inn at habang naglalakad ako ay inumpisahan kong magtanong tanong sa mga tao at pinapakita ang picture ni Rhian.

Pero lahat ng nilapitan ko ay iisa lang ang sagot; hindi nila kilala ang babae.

Mag aalas singko na ng hapon ng makabalik ako sa Inn. Medyo disappointed dahil wala man lang progress pero naisip ko na kalahating araw palang naman at hindi naman ganon kadali maghanap ng tao kahit sabihin pang napakaliit lang ng bayan na ito.

Call Me SHERLOCK Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon