"You stupid idiot!" Singhal ni Rhian kay Dennis na sinundan ng isang malakas na sampal.
Hindi nito alintana na may kasamang dalawang lalaki si Dennis. Dito lang naka focus and atensyon nya at ang galit na nakita ko sa kanya kanina ay muli nanamang bumalik sa mga mata nya. Samantala ako ay pilit na kumakalas sa pagkakatali sakaling pagtulungan sya ng tatlo. Wala syang kalaban laban sa mga ito.
"Nagsuplong ka kay Eddie?!"
Hindi sumagot si Dennis, ni hindi nito magawang tignan si Rhian. Halos mag liyab naman ang mga mata ng babae sa galit dahil kahit wala itong sagot na nakukuha sa inaakala nyang kasabwat ay alam na nya kung ano ang patutunguhan ng sitwasyon na to.
Sunod sunod na pokpok sa dibdib ang ginawa ni Rhian sa lalaki habang sinusubukan syang pigilan nito.
"I'm so sorry Rhian. Masyado nang delikado ang lahat para sa atin. Ayokong tumakbo habambuhay. I can't. Gusto ko ng mahinahon na buhay. At nangako sila, hindi nila tayo gagalawin, gusto lang ni Eddie na mabawi ang pera nya." Paliwanag ni Dennis, napatigil si Rhian sa pananakit sa kaharap.
"Bobo ka ba?! Ha Dennis?! Di ito larong habulan na pagnapagod ka pwede kang mag 'time first' o sumuko sa taya! Si Eddie ang pinag uusapan natin dito ay hindi nya tayo basta lang sasampalin sa ginawa natin saka patatawarin! Alam mo ang nangyari kay Amit diba?!!"
"Aksidente ang nangyari kay Amit, Rhian."
"Is that what your brother told you? I know he's the one who's trying to change your mind kaya wala sya dito ngayon. Am I right?"
"Binibigyan nya lang ako ng warning. Nag aalala lang sya para sa kaligtasan ko. Lagi nya sinasabi na parang ginagamit mo lang ako." Pag-aamin ni Dennis na sa isip ko ay totoo naman talaga.
"Oh, so naisip mo tong napakagandang ideya? Na magsusumbong ka sa taong tinatakasan natin. Sa tingin mo maaabswelto ka? Babayaran ka ba nya sa ginawa mong pagturo kung nasaan ako? O baka ibenenta mo na ako para lang makabayan sa malaking pagkakautang ng kapatid mo sa Manila?! Tell me now Dennis!!!"
Nanlilisik sa galit si Rhian at halos lunukin nito ng buhay ang lalaking kaharap. Samantala sina David at Benjamin at nanonood lang at para bang nag eenjoy sa isang napakagandang teleserye. Relax na relax lang ang mga ito at walang kabalak-balak na awatin ang dalawa.
Bago pa man makapagbigay ng lame excuses si Dennis ay isang napakalakas na suntok ang natamo nito mula kay Rhian. At sa ngayon, sa mukha na ito tumama.
"Damn you Dennis! We're so fucking close to the plan, tapos ito pang ginawa mo!!!"
Bago pa man tuluyang mabugbog ng husto ni Rhian si Dennis ay pumagitna na sa kanila si David samantala ako ay nagsa-struggle pa din kung paano ko mapuputol ang tali sa mga kamay ko.
"Well, apparently Dennis boy here thought what your offer wasn't quite enough to make his assistance worth it, hon. Although can't say I agree with him... I'm sure you could do a lot of things to properly repay a guy for his help. I mean, your rack ain't much to write home about, but you've got such a nice ass..." at agad na dumapo ang isang kamay ni David sa pwet ni Rhian at agad naman akong namula sa galit habang nagwawala sa pagkakatali pero parang wala lang ang protesta ko kay David.
"He outsmarted you, then we told him we were gonna let him keep half the money you'd given him, and promised him that Mr. Gutiérrez would leave him alone... but then we're a bunch of liars, and he's not that smart after all, so..."
"Ano?!!" Bumakas ang gulat sa mukha ni Dennis ng marinig ang sinabi ni David. Halatang hindi nya ito inasahan at hindi din makapaniwala na babaliktad ang pinlano nya laban kay Rhian.

BINABASA MO ANG
Call Me SHERLOCK
FanfictionMy best friend, Chynna always said that a beautiful woman was going to be the death of me. I always thought she was full of shit... because how can a woman be the death of you if you never spend more than three nights with any of them? But then I me...