Don't Stop Now

430 35 7
                                    

After a long days, finally, nakauwi na din ako sa sarili kong bahay.

I miss the smell of my place, the warmth of my bed, the comfort of my own pillow and cover.

It's always good to be home.

Pero hindi ko inaasahan na buong maghapon kong uubusin ang oras ko sa kakaupo sa may kusina at kausap si Bianca through video call.

I summarized what I'd learned from Mr. Carlos, Gabbi and Sister Fatima, which was about as close to zero as you could get.

But once in a while, I secretly scribble in my notebook and wrote up the rest of the notes on the case, summarizing my encounter with David and my talk with Uncle Ricky. That wasn't much either, but my notebook was where I was trying to work shit out for myself. It was frustrating. Even with all that, the real truth was elusive, like smoke that kept slipping through my fingers when I went to grasp it.

Bago matapos ang pag-uusap namin, hindi nya natiis na hindi magtanong kung anong nangyari sa mukha ko. Nakita kong nabalot ng pag-aalala ang expression nya, maybe thinking na napahamak ako dahil lumapit sya sa akin but I gave her the same lie that I told to Uncle Ricky.

Ilang minuto na ang nakalipas matapos kaming mag usap ni Bianca ay nakatulala pa din ako sa nakapatay na na screen ng laptop sa harap ko.

I realize , there wasn't anything going on with the case, and there was no way I could get any more information without someone noticing. I needed a strategy.

* * *

After all that happened, I really owed myself a meal at Madam Gloria's restaurant.

Kung hindi nga lang ako nabugbog sarado ng nakaraang gabi, dun na sana ako didiretcho ng hapunan.

Eksaktong alas syete nang dumating ako sa restaurant ni Madam Gloria at agad kong nakita si Chynna na nakikipaglandian sa isang babae sa isang sulok.

May isang waitress na lumapit sa kanya at kinalabit ito sabay turo sa akin kaya napalingon sya sa direksyon ko. Kumaway ako sa kanya sabay senyas sa ng ulo ko sa direksyon ng isang private booth na lagi kong tinatambayan.

Agad naman itong sumunod.

"Bago?" Nakangisi kong tanong kay Chynna pagkalapit nito sa akin.

Bago sya sumagot ay inabutan nya ako ng nasindihan nang sigarilyo at baso ng alak. Nakita ko syang uminom kaya uminom din ako kahit wala pang laman ang tyan ko.

"I just met her and she's engaged." Sagot ni Chynna.

"Oooff. That hurts!" Kantyaw ko sa kanya.

"Nope. Not my type. Sinusubukan ko lang, baka mahatak pa hanggang kama." Lokong sagot nito saka umupo sa opposite side ng mesa at kaharap ko.

"Gago ka talaga. Isang araw ikakapahamak mo yan eh."

"Nagsalita ang walang may blackeye na mukhang hindi binugbog ng mga awasa ng babaeng ikinama nya."

"Not exactly. Actually dahil to sa trabahong natanggap ko." Mahina kong sabi habang tinignan ko ang paligid kung may ibang tao ba sa malapit sa amin. Mahirap na may makarinig.

Ikinuwento ko sa kanya lahat. Mula sa pagpunta ni Bianca, ang kaso ni Rhian, sa pagsisimula ko sa lead, sa warning ni Eddie sa pamamagitan ni David hanggang sa pag uusap at pagbabawal sa akin ni Uncle Ricky.

Call Me SHERLOCK Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon