Kung gaano kabilis at di inaasahan ang pagdating ni Dennis, ganun din kabilis at hindi ko inaasahan ang pag iba ng timpla ng mukha ni Rhian. Wala na ang gulat sa ekspresyon nito, sa halip ay napalitan ito ng pagiging kampante. Hindi ko alam kung paano nya na manage yun kahit halos kinakapos pa sya ng hininga pagkatapos ng aming mga halikan.
Tinitigan ako nito at halos hindi ko maintindihan kung ano ang gusto nyang ipahiwatig. Bahagyang umangat ang gilid ng labi nya, and I saw her smirk. Pagkatapos ay humarap ito kay Dennis, saka umiyak.
Wow! I mean...
Hindi na nya ako binigyan ng pagkakataon para maintindihan ang sitwasyon.
Napatulala ako sa mga nangyayari, too stunned the way Rhian pull off her show. Pero hindi ko inaasahan ang paglapat ng palad nito sa pisngi ko. Isang malakas na sampal ang ginawa ni Rhian sa akin.
"What the fuck?!!" Sigaw ko sa babae.
The impact looked worse than it is, given the fact na hindi pa ganon ka hilom ang mga pasa na natamo ko sa pambubugbog ni David at Benjamin.
IT. HURTS. LIKE. HELL.
"Get the hell away from me, pervert!!!" Singhal nito sa akin habang umiiyak.
Nanginginig ang buong katawan ni Rhian habang nanlilisik ang mga mata nya sa galit. Hindi ko alam kung saan galing yun.
But then, I come to realize that it wasn't her voice, nothing about this was her. But looking at her in that moment I almost believed it... and the slap? Oh my God!!! Her acting skills will ruin Cherie Gil, Jean Garcia and Gladys Reyes' kontrabida/maldita career.
Kahit umiiyak, nakita kong kumindat si Rhian sa akin at yun na ang proof na nagdadrama nga ito. Pagkatapos ay humarap sya kay Dennis at yumakap sabay hagulgol at sya namang pagyakap ng lalaki sa kanya sabay inalo.
Napangiwi ako sa eksenang nasa harapan ko. Kung paano hawakan ng lalaki si Rhian ay parang hindi nya ito magawang saktan, taliwas sa nakita kong kalagayan ng babae ng pumunta ito sa tinutuluyan ko kagabi.
"Mabuti na lang at dumating ka, babe. She... uhmm... gusto nya akong pag samantalahan." Pagsumbong ni Rhian at agad namang tumaas ang kilay ko. Like, what the hell? If only this guy knew kung gaano kauhaw ang babaeng ito sa mga labi ko.
And what? Babe? Eww.
"Sshhhhhh... wag ka na matakot. Nandito nako. Wala nang makakapanakit sayo, babe. Sisiguraduhin ko yan."
Nanlaki ang mga mata ko ng may hinugot ang lalaki sa baywang nya, isang caliber .45 at itinutok ito mukha ko.
Biglang namutla si Rhian sa nakita nyang ginawa ng lalaki, gusto kong matawa behind the fact na may nakatutok na baril sa akin dahil honestly speaking, sya ang puno at ugat ng sitwasyon namin ngayon. Halatang hindi nito pinag iisipan ang mga ginagalaw nya.
"Hey... hey... You can't kill her, Babe. Relax, okay? Eddie sent her." Alibi ni Rhian na sya namang pagkagulat ng lalaki.
"Nagpapatawa ka ba?! Hahaha! Isang babae ang ipapadala ni Eddie para tumbahin tayo? That's so hilarious Rhian.."
"Not to kill us but to find me. Baka sa isip nya, mas less suspicious kung isang babae ang ipapadala nya para hanapin ako kaya di natin sya pwedeng patayin. Dahil sigurado ako pag hindi sya nakapagparamdam sa kanila, magpapadala ulit si Eddie ng tao para tugisin tayo. Mas mabuting umalis na tayo dito. Kailangan mo na makuha ang kalahati mo sa pera."
Nakita kong nadagdagan ang kunot sa noo ng lalaki. Halatang hindi agad makasabay sa paggana ng utak ni Rhian ang utak nya.
In fairness, bilib din ako sa pinaggagagawa ng babaeng to.
BINABASA MO ANG
Call Me SHERLOCK
FanfictionMy best friend, Chynna always said that a beautiful woman was going to be the death of me. I always thought she was full of shit... because how can a woman be the death of you if you never spend more than three nights with any of them? But then I me...