St. Joseph's Diner was located at Pasay, just in front of St. Joseph Parish. Pinatayo ito ng parokya at minamanage ng mga madre.
Sa pagkakaalam ko, ang kinikita nito ay napupunta din sa orphanage ng parokya.
Pagkadating na pagkadating ko sa nasabing kainan, agad akong nagtanong tanong kung saan at kung pwede ko bang makausap ang punong taga pangasiwa nila.
Sinamahan ako ng mga nakakabatang madre sa isang opisina at doon ko na meet si Sister Fatima. Sa tingin ko, nasa edad 60 na din sya gaya ni Mr. Carlos. Only she has a kind face than the old man.
Nagpakilala ako sa madre. Pinakita ko din sa kanya ang ID ko gaya ng ginawa ko kay Mr. Carlos. At first, akala ko magpapakita din sya ng resistance pero hindi. Sa halip ay masayang mga ngiti ang binigay nya sa akin at inalok ako na maupo sa upuang nasa tapat ng mesa nya.
"Ano ang maitutulong ko sayo, Detective De Castro?"
"I was hired to look into Rhian's disappearance, Sister."
Biglang nanamlay ang mukha ng madre. Nakita ko ang simpatiya sa mga mata nya at parang may namumuo pang luha sa gilid ng mga ito. Halatang malapit ang loob nito sa taong hinahanap ko na ganon nalang sya ka apektado sa pagkawala nito.
"Tutulong ako sa abot ng makakaya ko, anak. Napakabuting bata at may busilak na loob iyang si Rhian. Napakamapagpakumbaba. Sa katunayan, napakarami na nyang naitulong dito sa amin lalo na sa orphanage pero heto ay nagbo-volunteer pa din sya sa aming munting negosyo."
"Ano po ang naaalala nyo tungkol sa kanya ng araw na huli syang napunta dito, Sister?" Umpisa kong usisa sabay dukot ng maliit kong notebook kung saan ko din isinulat ang mga informations na binigay sa akin ni Gabbi. Malaking tulong ito sa akin sa pagtatagpi-tagpi ng kwento sa mga susunod na araw.
"Unang una sa lahat ay late na syang nakapunta dito. Pero ang ibig kong sabihin kasi ay ni minsan hindi nangyari yun. Halos araw araw nandito sya impunto alas singko. Kung mahuhuli man e lima hanggang sampung minuto lang. Pero dumating na sya ng alas sais noon. Nang tinanong ko naman kung matraffic ba, ang sagot e hindi daw. Sadyang madami lang syang ginawa sa bookstore kaya hindi sya nakaalis kaagad." Pahayag ng madre.
Napakunot noo ako sa narinig ko. Hindi yata ito tugma sa sinabi sa akin ni Gabbi. Pero sige, mamaya ko na hihimayin ang detalyeng ito pag uwi ko. Sa ngayon, kailangan ko pa ng mas maraming impormasyon galing sa side ni Sister Fatima.
"May kakaiba ho ba kayong napansin sa kanya? Sa kilos nya o sa expression ng mukha nya mula ng dumating sya?"
"Parang wala naman. Palangiti ang batang iyon. Ni minsan ay hindi ko pa nga yun nakikitang sumimangot kahit na minsan e may mga costumer kaming pinagtitripan sya. Bago sya umalis e nakita kong may tumawag sa kanya pero di naman yun bago kasi lagi syang sinusundo dito ng driver nya. Kaya iyon siguro ang tumawag sa kanya." Pagpapatuloy ni Sister Fatima.
"Ganon po ba? Sige ho, Sister... masyado ko na ho kayong naabala. Mauna na ho ako. Maraming maraming salamat sa oras nyo." Saka ako tumayo at akmang magmamano sa kanya na pinaunlakan nya naman sa pamamagitan ng pag abot ng kamay nya.
"Sanay ay nakatulong ako sayo iha. Sana ay mahanap na si Rhian at ako ay sobra nang nag-aalala sa kanya. Wala pa din kaming natatanggap na balita e."
Walang duda ang pag-aalala ng madre. Bakas na bakas ito sa boses nya at ngayon, hindi na napigilan ang pagpatak ng luha nya.
"Wag ho kayong mag-alala, Sister. Gagawin ko ang abot ng makakaya ko mahanap ko lang sya." Pangako ko.
Pangako na di ko naiisipang sirain. Hindi ko alam kung bakit pero matapos kong makausap ang dalawang taong nakakasalamuha ni Rhian, parang unti unti ko syang nakikila. May kung anong feeling sa loob loob ko na naghahangad din na makilala sa sa sarili kong bersyon.
BINABASA MO ANG
Call Me SHERLOCK
FanficMy best friend, Chynna always said that a beautiful woman was going to be the death of me. I always thought she was full of shit... because how can a woman be the death of you if you never spend more than three nights with any of them? But then I me...