Do You Remember?

472 38 8
                                        

Alam kong nagmumukha akong tanga sa kakatitig sa picture na hawak ko pero hindi ko talaga mapigilan.

The longer I look at it, the more I saw things. Like, her smile just got more dazzling the more I look at it but her eyes, the harder I look at it, the more I saw that her smile didn't quite reach them. There was a sort of melancholy there.

"Umm, excuse me?" Putol ni Bianca sa biglaang paglalim ng isipin ko.

Sapilitang tinantanan ng mga mata ko ang hawak kong litrato at binalik ko ang atensyon ko sa kaharap ko.

Madiin ang paningin nito sa akin habang nakataas ang isang kilay. Alam kong nagtataka ito kung bakit sobra akong makatingin sa picture ng kaibigan nya. Pero hindi ako nagpatinag. Bigla akong nakaramdam ng inis, kay Bianca dahil sa pag interrupt nya sa pagtitig ko sa hawak kong picture at sa sarili ko dahil sa recklessness ko sa harap ng kleyente.

"Normally, sa gaya ng case na to, una kong kinakausap ang pamilya." Pag basag ko sa napaka awkward na sitwasyon.

"Wag ka na umasa sa kanila. They're uncooperative just like the police. Sinubukan kong kausapin ang Mom nya but she just shrugged and said it's okay. I mean, how can you be okay if your daughter is missing?!"

"How about some of your friends?" Usisa ko

"Walang may nakakaalam. None of us saw her that day or that night. Huling beses ko syang nakita is the day before she disappeared. We both went to volunteer in the orphanage. Magkasama kami buong araw at wala naman akong napapasin na out of ordinary sa kanya."

Kumuha ako ng papel at ballpen at nag-umpisang mag scribble nga statements na binibitawan ni Bianca. Some of it may help me to know where to start.

"Alam mo ba kung anong mga dapat nyang ginagawa sa araw na nawala sya?"

Saglit na natigilan at napaisip ang babae.

"For sure, nasa trabaho sya. From 10am to 4pm. Pagkatapos,  5pm to 9pm, she's volunteering to St. Joseph's diner. Alam mo yung kainan sa may kumbento?"

"Trabaho?" Tanong ko na may kahalong duda at pagkasurpresa sa nalaman ko. Di ko inakalang, mahilig mag volunteer si Rhian at may sariling trabaho in behalf of her diamond-filled lifestyle.

"Yes, she have a job. Though it is a source of vast disappointment from her parents. Rhian has an MBA, studied in Oxford University, got a lot of offer in different well known firm in London but she choose to come home and live a lowkey life. She's not a brat if that's what you're thinking." Diretchong sabi ni Bianca at para bang nabasa nya ang nasa utak ko.

"Sorry." Sambit ko in a very apologetic way. I was sorry because I jumped into a conclusion.

"So saan sya nagtatrabaho?"

"Sa Juan Carlos Bookstore. She's a clerk and act as Mr. Juan's secretary. I don't even get why she work there. Maybe her love for the books made her do so."

"Okay. Thank you Miss King. I think, that's where I will start."

* * *

Pagkaalis ni Bianca, agad akong umalis at ni-cash out ang cheque ng bayad na binigay nya. Imbes na ideposito, mas pinili kong itago na lang muna ang pera sa steel safe ko. Saka ko na hihimay-himayin ang mga ito sa mga bayarin ko. Sa ngayon, gusto kong pumunta sa bookstore na sinabi ni Bianca kung saan nagtatrabaho si Rhian.

Natagpuan ko ang location ng bookstore sa may Mandaluyong.

Juan Carlos Bookstore is a classy looking shop. Actually, it's more like an antique shop than a bookshop. Pagpasok ko, inaasahan kong maluwag ito pero hindi pala. Halos jammed-pack ang costumers and by looking at them, masasabi kong halos lahat ng nandoon ay may marangyang pamumuhay. Yung mga taong kayang magbitaw ng malalaking halaga para sa isang kalawanging bagay at may masabi na nagmamay-ari ng antigong bagay sa bahay.

Call Me SHERLOCK Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon