Meet Sherlock

1.3K 56 10
                                    

Sapilitan ang pagbalik ng kaluluwa ko sa katawang lupa ko ng makaramdam ako ng malakas na yugyog.

"Rise and shine, Sherlock!!!" Biglang sigaw ng boses sa bandang taenga ko kasabay ang isang malakas na batok.

I am now totally awake at agad namang sumugot ang sakit sa ulo ko tanda ng paniningil ng hangover. Bigla kong naalala kung ilang bote ng vodka ang naubos ko kagabi.

Shit.

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at agad namang sumalubong ang nakakasilaw na liwanag mula sa sinag ng araw na tumatagos sa manipis na kurtina ng binata ng kwarto ko.

Ngayon ko lang namalayan ang bigat na nakadagan sa mga binti at baywang ko.

Oo nga pala. Isang babaeng lasing ang nakasalampak sa akin. Naghihilik at wala man lang kamuwang muwang na hindi na kami nagso-solo sa loob ng kwarto.

Hinagilap ko ang taong kanina ay sumigaw at bumatok sa akin.

It was my best friend, Chynna.

Nakaupo na ito sa isang single couch sa sulok malapit sa bintana humihithit ng sigarilyo at pinapaikot-ikot ang hawak nyang lighter sa kabilang kamay. Napangisi ito nang makita nyang tumingin ako sa kanya.

"Ilang beses ko bang sinasabi sayo na wag mo akong sisigawan sa taenga Chyns? I hate you when you do that!" Reklamo ko sabay kusot sa taenga ko at dahan-dahang bumangon.

Isang malakas na halakhak lang ang sagot nito.

Bago pa man ako tuluyang makabangon, agad kong hinagilap ang eyeglasses ko na inilapag ko sa may bedside table kagabi at isinuot.

"Anong kailangan mo, bakit kailangan mo pang bulabugin ang tulog ko?" Usisa ko sa kanya. I don't even mind standing up with my body covered with nothingness. Sa katunayan, lahat na siguro ng himay naming dalawa sa katawan e nakita ng ng isat-isa. So what's there left to hide?

"You mean, ang tulog NYO?!" Pang intiga nito at inemphasize pa talaga ang last word nya.

"Whatever." Sagot ko, and I rolled my eyes.

"Gisingin mo muna yang si Sleeping beauty ng makapag usap tayo ng maayos." Utos ni Chynna at minabuti nyang lumabas ng kwarto.

Ano nga ulit ang pangalan nya?

Becky? Betty? Be... ? Ah basta, pagkakaalala ko, it starts with B & E.

"Hey... you need to go." Sinubukan kong yugyugin ang balikat ng babae. Umungol lang ito pero hindi man lng nagmulat ng mata.

Bago pa man ako makapagsalita ulit ay mabilis nya akong hinila pabalik sa kama.

"Mamaya na. Let's cuddle for a while."

Cuddle? Funny. I didn't do cuddle after sex. It's just a one-night-stand affair and it didn't deserve a second of it. Besides, I don't know why we end up here. Ang naaalala ko lang e nakilala ko sya sa isang bar, just another socialite who wanted to know what sinning felt like and woke up in the morning feeling like she needed to cleanse her soul.

"You really need to go. I'm sorry."

Sumimangot ito at padabog na bumangon.

"Will I see you again?"

"We'll see about that." Tipid kong sagot bagang naghahalukay ng maisusuot sa closet ko.

"I need you to leave before I come back in this room, okay?" Pahabol ko.

As soon as I dressed up myself, lumabas na ako ng kwarto at dumeretcho sa kusina kung saan alam kong naghihintay si Chynna.

Agad akong lumapit sa coffeemaker at gumawa ng dalawang servings ng kape dahil kakailanganin ko yata ang caffeine sa systema ako ngayong araw.

Call Me SHERLOCK Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon