Ang balintataw kong animo'y nag-iisip
Araw-araw hinahanap ang iyong marikit na mukha
Nasaan kana ba?
Takipsilim na, di parin kita nakikita.Isang bagong yugtong ugma,
Hinahanap parin kita, kamusta kana kaya?Sa isang sulok ng library, naroon ka
Nakangiting kausap ang iba
Ako'y umalis. Sumakit ata ang mga mata.
Bumigat lahat. Napakabigat.
Tanga lang? Wala naman palang tayo diba?Napakamakasarili ko na ba?
Inaangkin ang taong ni minsan di makatingin sakin
Na humaling na ata sa kakaisip
Kasi di na namalayang may tumutulo na sa mga pisngi.
BINABASA MO ANG
PATULA-TULA NI ALEX
PoetryMga tulang nabuo ng panahon. Durungawan patungong madilim na mga matang para bang walang nakikita. #Patula-tula