Bihirang madalumat ang inimis na salita
Salita mong nabibidbid ng nakaraan
At larawang kupas na nananangis sa isang sulok
Balot ng alikabok na animo'y nanunuot
sa panlalata ng panahon
Tulirong nilalapang ng oras ang nagsusumamong hinuha
Nais makuro ang huling talatang naibanggit noong una
Nang matanto ang nahapong naninimdim na kahapon
Noong bakas sa balintataw mo ang ngiting hindi mailuluma ng panahon
Namamayani ang lumbay na gumagaod sa alon ng alaalang sukaban
Bakit hindi nya kayang manatili?
Bakit ninanais nya ring lumaho?
Hanggang salitang alaala na lamang kita maaabot
BINABASA MO ANG
PATULA-TULA NI ALEX
PoetryMga tulang nabuo ng panahon. Durungawan patungong madilim na mga matang para bang walang nakikita. #Patula-tula
