Nang mistulang nabuhay yaong mga salita
Liham na nakaukit sa bawat pahina
Sa kwadernong bakas ang tuyong luha
Mga titik na bumubulong sayong tainga
Sa sobrang tulis ikaw ay nasasaktan na
Halimbawa 'paalam na mahal'
Tatlong salitang binigkas, nakakamatay pala
Sayong yapak ako'y biglang nagitla
Matatamis na salita iyo ng naiwika
Tinig di makubli sa ganda, nakapagtataka
Pero mga minimithing salita'y nasabi na
Halimbawa, mahal kita.... Ngunit ayoko na
Mga malamlam na pagsasalita, bakit nabanggit pa?
Nagmistulan akong lamparang marikit sa gitna ng dilim
Kahit alitaptap ako'y hindi na mawari
Halimbawa nalang rin, napakasakit.
Nanunuot saking puso mga wika'y nasabi
Nalulumbay ang aking diwang nawawala
Halimbawa, maayos na.
Halimbawa, tanggap ko na.
Halimbawa, ako'y masaya na rin sinta.
BINABASA MO ANG
PATULA-TULA NI ALEX
PoetryMga tulang nabuo ng panahon. Durungawan patungong madilim na mga matang para bang walang nakikita. #Patula-tula
