Kung oras ay maibabalik pa sa dati
Nang kapatak ng lungkot ay hagkan ka
At kalupitan ng kahinaan ay hindi maiwaksi
Kung natatamasa na ang hapdi, ito pa kaya'y mapawi?Sa bawat katampalasanan ng oras, luha'y hatid
Pusong nagdadamdam wari'y naaapi
Pinagyabang ang kapatak ng pag-ibig mong kunwari
Ngiting hanggang tainga, hindi kayang itanggiDati'y kaakay; mga pasakit 'di batid
Nagsilbing susi sa anomang kandado
Ngunit bakit biglang nanlalabo?
Bakit sa lupa ako'y inilugmok mo?Noong oras na ramdam na ang kirot sa pusong kay hapdi
Sa panahong nalulunod na sa sobrang paglasap ng lungkot
Hindi matinong isip at ligaw na loob ako'y sinasakop
At napaluhod sa matinding hagulgol, hamak na pagsasarili! Mayroon kapa bang masasabi?Yaong dalawang salitang dumadamay saking hinagpis
Matutulad sa paraisong sukat ng imahinasyong 'sana'
'Tahan na' iyong naisambit, dagtang di nais mawala
Katwiran ay sadyang hanggang isip nitong magulong talata
BINABASA MO ANG
PATULA-TULA NI ALEX
PuisiMga tulang nabuo ng panahon. Durungawan patungong madilim na mga matang para bang walang nakikita. #Patula-tula