12 ◾Tampalasang Oras

5 0 0
                                    

Ang daliri ng relo mong nagmamadali
Kasalungat ng relo kong kay bagal
Kahibangan, kahit ang totoo'y pareho lang namang hakbang
Kung nanaisin papatigilin ang dalawang
relo sa kakaikot ng tuluyan
Gustong lumagi kakatingin sa iyong karikitan
Kukunan ng larawan ang mga ngiting dahan dahang napapawi
Kasabay ng pagbalik ng mga nanlalabong alaala
Mga sandaling pareho nating sinasabing kay bilis ng oras
Habang nakatingin sa mukha mong baka kumupas sa kakaisip
At unti-unting namamasa ang aking dalawang pisngi
Sa biglaang pag-alis tumigil ang tampalasang oras
Hinayaang lumisan ang tubig alat mula saking mga matang namamaga
Tahan na sinta, tatlong salitang kanipa'y hinihintay
Na malabo ng bigkasin ng mga labi mong natahimik na.









PATULA-TULA NI ALEXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon